30 facts na ating pinaniwalaan pero mali pala (Last Part)

21. Magiging dahilan ng pagkakasakit ang paglabas sa bahay nang bagong paligo at basa ang buhok sa panahon ng tag-lamig. Hindi totoo, sa katunayan, malamig na ang katawan niya kaya wala nang epekto kung malamigan siya sa labas ng bahay.

22. Nagiging mas malikot ang mga bata kapag kumakain ng matatamis. Base sa ginawang pag-aaral ng Journal of the American Medical Association, hindi naaapektuhan ng asukal ang pag-uugali ng bata.

23. Ang pagpapalagutok ng mga daliri ay nagiging dahilan ng arthritis. Injury ng ligaments at dislocation ng tendons ang perwisyong maaaring mangyari pero hindi arthritis.

24. Mag-unat (stretching) muna bago sumabak sa exercise upang hindi mabalian. Ang totoo, nakakabawas lang ng lakas ang pag-uunat kaya sa halip na makapag-exercise ng mahabang oras, tumitigil kaagad dahil napagod na.

25. Ang cholesterol ng itlog ay masama sa ating puso. Ang dietary cholesterol mula sa itlog ay hindi nakapagpapataas ng bad cholesterol na perwisyo sa puso. Ang bad cholesterol na perwisyo sa puso ay sebo mula sa taba ng karne, balat ng manok, dairy cholesterol kagaya ng butter, cream, ghee, regular fat milk at cheese.

26. Ang pagkalkula sa edad ng aso ayon sa ating naririnig ay (7) x age ng aso base sa human year = edad ng aso. Hindi ito totoo. Ang tamang pagkalkula ay ganito: edad ng aso sa human year – 2 x 4 + 21 = edad ng aso.

27. Yari sa kahoy ang pustiso ng 1st US President, George Washington. Hindi totoo. Ang pustiso niya ay gawa sa alinman materyales na ginagamit noong kapahunan niya: gold, hippopotamus ivory, lead, mula sa binunot ng ngipin ng namatay na sundalo, ngipin ng kabayo at donkey.

28. Ang Vikings ay inilalarawan lagi na nakasuot na helmet na may sungay. Wala silang ginagamit na ganoong helmet. Nilikha lang ang ganoong helmet ng isang costume designer para sa 19th-century Wagner opera.

29. Ang bagpipe ay nagmula sa Scotland. Hindi totoo dahil may mas nauna pang gumamit ng bagpipe kaysa kanila. Ito ay ang Egypt, Greece at Rome.

30. Ang tao ay puwedeng hawahan ng warts ng palaka. Hindi warts ang nasa palaka kundi skin glands. Mga tao lang ang maaaring magkahawahan ng warts.

Show comments