11. Kapag hinawakan ng isang tao ang “nestling” (baby birds) at pagkatapos ay ibabalik sa kanyang pugad, ito ay ire-reject ng kanyang ina dahil naamoy nito na hinawakan ito ng human hand. Hindi ito totoo dahil walang powerful sense of smell ang ibon para ma-detect na hinawakan ang kanyang nestling ng tao.
12. Kulay blue ang ating dugo kapag nasa loob ng katawan. Pula ang kulay ng dugo ng tao at hindi kailanman naging blue. Nagmumukha lang itong blue kung titingnan mula sa labas ng katawan dahil sa balat at fat.
13. Mansanas ang sinasabing “forbidden fruit” na ipinagbawal kina Eva at Adan. Ang totoo, hindi binanggit sa Bibliya na ito ay mansanas. Nagkaroon lang ng konklusyon na ito ay mansanas dahil iisa lang ang Latin word for apple and devil—ito ay malum.
14. Bulag ang mga paniki. Lahat ng species ng paniki ay may mata at nakakakita. In fact, may mga species na taglay ang excellent night vision.
15. Hanggang 24 oras lang nabubuhay ang mga langaw. Ang totoo, nabubuhay sila hanggang 20 to 30 araw.
16. Bumabaling ang sunflowers kung nasaan ang araw. Hindi nila sinusundan ang araw, talaga lang laging nakaharap sa East ang sunflowers.
17. Ang bakuna ay nagiging sanhi ng autism. Walang katotohanan ito. Ang balitang ito ay bunga ng fake research.
18. Pinapatay ng alak ang brain cells. Sinisira lang pero hindi pinapatay.
19. Pitong taon ang itinatagal sa tiyan ng nalunok na chewing gum dahil hindi ito natutunaw. Hindi totoo. Buo itong inilalabas kaagad ng ating katawan sa pamamagitan ng pagdumi.
20. Sa ancient Romans, ang vomitorium ay room na inilaan para sa nagsusuka. Hindi totoo. Ang vomitorium ay entrance/exit ng stadium o teatro. (Itutuloy)