Antique na Christmas tree, naibenta sa halagang $4,000!
ISANG 123-year-old Christmas tree sa Great Britain ang naibenta sa isang auction sa halagang mahigit sa $4,000 (katumbas ng P200,000).
Ayon sa Hansons Auctioneers, ang auction house na nagpasubasta sa Christmas tree, inilarawan nila ito bilang “humblest Chrismas tree in the world” dahil sa taas nito na 2.5 feet. Mayroon lamang itong 25 sanga, 12 berries at 6 mini candle holder.
Pinaniniwalaang ito ay isa sa mga naunang mass-produced artificial Christmas tree sa mundo.
Nagmula ang Christmas tree mula sa bahay ng babaing nagngangalang Dorothy Grant. Ayon sa anak nito na si Shirley, binili ito noong 1920 at 8-anyos pa lamang si Grant. Ito na ang Christmas tree sa kanilang tahanan hanggang siya ay mamatay sa edad na 101 noong 2014.
Nang dinala ito sa Hansons Auctioneers, mayroon lamang itong estimated selling price na $100. Ngunit nang isinalang na ito sa isang “global bidding battle” nakatanggap ito ng bid na nagkakahalaga ng $4,338 mula sa isang hindi pinangalanang private buyer sa UK.
Umaasa si Shirley na kung sino man ang nakabili ng Christmas tree ay mapasaya nito ang kanilang Pasko kung paano nito napasaya ang kanyang ina noong nabubuhay pa ito.
- Latest