^

Punto Mo

EDITORYAL - Bullying sa school

Pang-masa
EDITORYAL - Bullying sa school

AYON sa 2022 Program for International Student Assesment (PISA) na inilabas noong Disyembre 5, 2023, kulelat ang mga Pilipinong estudyante edad 15 sa Science, Math at Reading Comprehension. Ang mga dahilan kung bakit nangungulelat ang mga estudyanteng Pinoy ay: kahirapan, kawalan ng nutrients sa kinakain, siksikan sa classroom at kakulangan ng mga mahuhusay na guro.

Idinagdag ng PISA na kabilang din ang bullying sa mga dahilan kung bakit mahina ang mga estudyante sa tatlong nabanggit na asignatura. Hindi umano dapat isantabi ang bullying at kailangang malutas ng mga kinauukulan.

Ayon sa PISA, 1 sa 3 estudyante na may edad 15 ang nakararanas ng pambu-bully sa kanilang kaklase. Nangyayari umano ang pambu-bully minsan sa isang linggo.

Ayon pa sa PISA, kabilang sa nararanasang bullying ang pagnanakaw, pagtatago o pagsira sa gamit ng estudyante, pananakit gaya ng panununtok at pana­nabunot, pagkakalat ng tsismis laban sa estudyante at hindi pagsama rito sa mga group activities.

Ang pinakamaraming naitalang pambu-bully na naitala ng PISA ay noong 2019 kung saan, lumabas na 6 sa 10 teenagers ang regular na binu-bully sa mga paaralan. Ayon sa PISA, sa mahigit 7,000 Pilipino estudyante na 15 taong gulang, 65% rito ay binu-bully ng ilang beses sa loob ng isang buwan.

Nang magsagawa ng pagdinig ang Senate Committee on basic education noong nakaraang Pebrero 2023, ibinunyag ni Sen. Sherwin Gatchalian, chairman ng komite, na 17.5 milyong estudyante sa bansa ang nakararanas ng pambu-bully. Ang binulgar ni Gat­chalian ay kinumpirma rin ng Child Protection Network Foundation (CPNF). Ayon pa kay Gatchalian, lumalabas na ang Pilipinas ang nangunguna sa mahigit 70 bansa pagda­ting sa bullying na may edad 13-17.

Sa kabila na maraming estudyante ang nabu-bully, tila wala namang ginagawang hakbang ang Deparment of Education (DepEd) para malutas ang problemang ito. Hindi naipatutupad ang mga anti-bullying measures sa mga eskwelahan sa bansa. Kahit matagal nang nangyayari ang bullying, hindi gumagawa ng hakbang para makapag-hire ng mga mahuhusay na guidance counselor na tutulong sa mga estudyante na nakararanas ma-bully.

Naniniwala kami na ang report ng PISA ukol sa dami ng nabu-bully ay hindi pa sapat. Marami pa at hindi lamang narereport dahil natatakot. Dahil din sa pambu-bully, maraming estudyante ang hindi pumapasok dahil nagkakaroon ng trauma sa nararanasang pambu-bully ng mga kaklase.

Ang problema sa pambu-bully ay nararapat lutasin ng DepEd. Kawawa naman ang mga estudyante—mahina na nga sa Math, Science at Reading Comprehension ay kinakawawa pa ng mga kaklase. Magkaroon ng plano ang DepEd ukol dito.

BULLY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with