^

Punto Mo

Abusadong taxi driver, nagkalat

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

TALAGA nga naman, nagkalat na naman sa lansangan ang mga bastos at abusadong taxi driver.

Kasi nga dahil buwan na ng Disyembre,  alam nilang magi­ging in-demand na naman sila sa mga pasahero kaya iba-iba ang naiisip na estilo nang pananamantala sa mga pasahero. 

Sangkaterba yan na dapat matututukan at sampolan ng mga kinauukulan.

Pati ang mga dapat na kasuotan hindi nasusunod ng mga driver na ito.

Parang balewala lang sa kanila ang babala ng mga awtoridad na: bawal tumanggi sa pasahero, bawal ang mangontrata at iba pang paraan  nang pananamantala.

Kung mag-iikot lang at mahigpit na magbabantay ang mga awtoridad eh mauubos ang mga taxi sa lansangan dahil sa mga paglabag.

Sana matutukan ito, lalu na ang mga driver na nagmamaneho ng naka-sando na, naka tsinelas pa.

Nandyan ang pagkinawayan mo, oo nga’t titigilan ka pero bintana ang bubuksan at itatanong kung saan ka pahahatid.

Kapag di nila kursunada marami na ang idadahilan para ‘di ka isakay.

Hindi pa rin nawawala ang ‘padagdag system’ sa ilang driver.

Yung naka-metro nga pero nagpapauna  na sa‘yo ng dagdag bayad, talaga namang mga kolokoy.

Ang mga yan ang nagpapahirap sa mga pasahero lalu na ngayong holiday season na dahil nga sa marami ang mangangailangan ng masasakyan, kinakagat ang idinidikta ng mga abusadong driver kaya namimihasa.

Dito dapat na mabigyang proteksyon ang mga mananakay at walisin sa lansangan ang mga abusado at dorobong driver lalu na sa taxi.

Kailangan din magsampol dito ang mga kinauukulan para madala at hindi na pamarisan.

DRIVER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with