PUWEDENG pagsanibin ang katapatan sa serbisyo publiko ng mga pulitiko upang maipamuhay nang tugma sa mamamayan. Hindi ‘yung naghahabol kayo ng indorso para dagdag boto.
Malaki ang gastos sa annulment kaya panahon na para isulong ang expiration ng marriage contract. Marriage renewal na lang ang magiging special occasions.
Nararapat na ring pagbayarin ng buwis ang kinikita mula sa mga negosyo ng religious church and its organization. Kabilang ang school and universities na may resibo ng mahal na tuition fees. Para ano at nagresibo pa sila?
Maliban sa ikapu at donasyon mula sa mga kapanalig nila, ang lahat na income generated activities ay kailangang magbayad bg buwis. Give unto Ceasar what is due to the Ceasar and give unto God what is due to God. Pangaral ‘yan ni Hesus di ba?
Kaysa mag-angas ang mga mambabatas upang magpa-trending sa social media, isulong na ninyo ang pang-ekonomiyang batas masagasaan na ang dapat sagasaan para makabayad naman tayo ng utang.
Political will lang ang kailangan. Malaking kasalanan din ang maging balasubas sa bayan.