^

Punto Mo

EDITORYAL - Desenteng tahanan para sa Yolanda victims, ipagkaloob

Pang-masa
EDITORYAL - Desenteng tahanan para sa Yolanda victims, ipagkaloob

Hanggang ngayon, marami pa sa mga biktima ng Bagyong Yolanda sa Kabisayaan ang walang sariling tahanan. Marami sa kanila ang nakatira sa mga mapanganib na lugar na posibleng pagbuwisan ng buhay kapag may tumama muling malakas na bagyo gaya ng Yolanda. Sampung taon na ang nakalilipas mula nang tumama ang Yolanda pero nararamdaman pa nila ang hagupit ng bagyo. Walang pagbabago sa kanila at nananatiling pangarap ang magkaroon nang maayos at desenteng tahanan.

Masyadong matagal ang 10 taon na paghihintay pero wala silang magawa kundi magtiis at umasa pa na isang araw mayroon na silang permanenteng tahanan na malayo sa panganib. Isang lugar na hindi aabutin ng bangis ng bagyo.

Mahigit 6,000 katao ang namatay sa pagtama ng Yolanda at ang napuruhan ay ang Tacloban City. Maraming bahay ang nawasak. Lahat nang mga bahay sa baybaying dagat ay nagiba dahil sa mataas na alon na sumagasa. Sa lakas ng hangin at alon, pati ang mga barkong nakahimpil ay tinangay sa dalampasigan.

Ang kabagalan sa pagkakaloob ng bahay sa mga biktima ay matagal nang isyu. Dalawang Presidente na ng Pilipinas—una ang namayapang President Noynoy Aquino at President Rodrigo Duterte ay nag-utos noon na madaliin ang paggawa ng mga bahay para sa mga biktima. Bumuhos din ang tulong pinansiyal mula sa maraming bansa para makabangon ang mga nasalanta. Pero sa kabila ng mga tulong, nananatili pa ring walang bahay ang mga nasalanta.

May mga ginawang bahay ang National Housing Authority (NHA) sa panahon ni President Aquino noong 2014 pero substandard o mahinang klase. Madaling magiba sapagkat sa halip na bakal ang ginamit na patigas sa haligi at pader, kawayan ang inilagay. Ayon pa sa mga residente, wala ring kuryente at tubig sa lugar na tinayuan ng mga bahay.

Sa annual report ng COA noong 2021, sa 212,618 na target housing units sa ilalim ng Yolanda Permanent Housing Program at pinamamahalaan ng NHA, 73 percent lamang o 156,219 units ang nakumpleto sa petsang Disyembre 31, 2021. Ayon sa COA, inilunsad ng NHA ang proyektong pabahay sa Yolanda victims noong Agosto 1, 2014. Ipinagpatuloy ng Duterte admin ang housing program subalit marami pa ring Yolanda victims ang walang tirahan.

Noong Miyerkules, inatasan ni President Ferdinand Marcos Jr. ang NHA na madaliin ang pamamahagi ng housing units at titulo ng lupa sa Yolanda survivors.

Sana ang kautusang ito ang tatapos sa 10 taong paghihintay ng Yolanda victims. Huwag nang pahabain ang kanilang pagtitiis.

BAGYONG YOLANDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with