UMAABOT sa 600 percent ang overcrowding sa mga kulungan sa Pinas noong 2018 kaya’t kumilos ang Bureau of Jail Management and Penology para pagandahin ang kalagayan ng mga preso. Inireport ni BJMP director Ruel Rivera na upang mabawasan ang congestion rate sa mga kulungan, nagtayo sila ng karagdagang jail facilities, nag-enhance ng PDL Welfare Development Program at Jail Paralegal Programs para asistihan ang mga preso na mapabilis ang disposition ng kanilang mga kaso.
Ngayong 2023, napababa na ng BJMP ang congestion rate sa mga kulungan sa 351 percent, ayon kay Rivera, sabay pangako na tuluy-tuloy lang ang mga proseso para mai-address nila ang problema ng jail congestion sa Pinas. Mismooooo!
Kaya’t naniniwala si Rivera na malaki ang maiaambag ng programa ni Interior Sec. Benhur Abalos na National Jail Decongestion Summit para mabigyang solusyon ang problemang pagsisikip ng kulungan sa bansa. Kapag natuloy kasi itong proyekto ni Abalos, dadaluhan ito ng mga kawani ng BJMP, Department of Interior and Local Government, Supreme Court at iba pang stakeholders at players. Dipugaaaaa!
Malakihan ang pagkilos ni Abalos para mapaganda ang sitwasyon ng ating mga preso ah. “It is a significant move towards achieving a fair and just criminal justice system.,” ani Abalos sabay giit na handa na ang DILG para makipagtulungan sa iba pang ahensiya ng gobyerno para makamtan nila ang kanilang primary goal. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Kaya naman naisip ni Abalos ang summit matapos bisitahin ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ang Pasay City jail kaugnay sa pagselebra ng Pinas ng National Correctional Consciousness Week nitong nakaraang Oktubre 29. Nakita kasi ni Gesmundo ang kalunos-lunos na sitwasyon ng mga preso kaya’t iminungkahi n’ya ang summit kay Abalos para pag-usapan at mabigyan ng solusyon ang mga hinaing ng mga preso at kasikipan ng mga gusali ng BJMP.
Naniniwala si Gesmundo na kapag nagsama-sama ang mga sangay ng gobyerno at mga stakeholders magkakaroon ng mas epektibong, humane at equitable incarceration practices, tungo sa makabuluhan at pangmatagalan na reporma.
“Our department sincerely appreciates the Supreme Court’s commitment to helping us address and reform the conditions of persons deprived of liberty (PDLs),” ang sabi pa ni Abalos. Tsk tsk tsk! Hehehe! Hindi lang mga kabulastugan ng mga kapulisan ang tinututukan ni Abalos kundi maging ang kalagayan ng mga preso, no mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Nasa limelight itong BJMP nitong nagdaang BSKE dahil tatlong preso ang nanalo o ibinoto sa kanilang lugar. Ayon kay BJMP spokesman Chief Inspector Jayrex Bustinera walang ibibigay na special treatment ang kanilang opisina sa tatlong BSKE winners, lalo na sa kanilang trabaho sa loob ng kulungan.
Ano ba ‘yan? Wala rin palang kabuluhan ang pagkapanalo ng tatlong PDL dahil wala silang maiambag na trabaho sa kanilang barangay. Kaya lang, tatanggap sila ng suweldo. ‘Yun lang, panalo na sila. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang talaga, ‘no mga kosa?
Samantala, nagbigay naman si Abalos ng mga guidelines para giyahan ang mga incoming barangay officials sa kanilang trabaho.
Abangan!