Paano makatulog nang mahimbing?
• Kung kulang sa 7 oras ang tulog mo araw-araw, ito ang mangyayari sa iyo: tataba, atake sa puso, laging sumpong, nagiging makakalimutin, low sex drive, lacking concentration at hihina ang immune system.
• Kaya para makatulog nang mahimbing o sapat na 8 oras, ito ang gawin:
1. Palamigin ang bedroom: buksan ang bintana, gumamit ng electric fan o gamitin ang aircon.
2. Mag-workout sa umaga o hapon pero huwag sa gabi.
3. Bago matulog, iwasang makipagtalo sa social media o face to face na pagtatalo.
4. Gamitin ang oras sa meditation, pagsusulat sa journal o light funny conversation sa kaibigan o family member.
• Iwasan ang heavy meal sa hapunan: nahihirapang tunawin ang pagkain kaya di makatulog at madalas ang paggising dahil ihi nang ihi sa magdamag.
• Ayusin ang finances, fitness at pakikisama sa pamilya para matutulog ka na walang alalahanin.
• Maging productive sa araw para pagod ka at mabilis aantukin sa gabi.
• Maging mabait sa pakikisama para laging masaya ang kalooban sa pagtatapos ng araw.
• Sa umaga na lang magkape.
• Mag-warm bath o hot shower. Nakaka-relaks ito ng nervous system at nakakapag-paantok. I-reserve mo na lang ang cold shower sa umaga.
• Mag-invest sa magandang klaseng higaan, blanket at unan. Kadalasan, ang dahilan ng poor sleep ay luma at hindi magandang quality ng higaan at unan na nagdudulot ng sakit sa leeg, back pain at masamang posture.
- Latest