ISANG bagong silang na sanggol sa India na may sobrang daliri sa kamay at paa ang pinaniniwalaang reinkarnasyon ng Hindu goddess!
Ang hindi pinangalanang sanggol mula sa Bharatpur, Rajasthan ay may pitong daliri sa bawat kamay at anim na daliri sa magkabilang paa. Ayon sa medical professionals, healthy at walang sakit ang sanggol at ang pagkakaroon nito ng sobrang daliri ay isang rare genetic abnormality.
Ngunit mas naniniwala ang mga magulang at kaanak nito na reinkarnasyon ang sanggol ng Hindu goddess na si Dholagarh Devi. Si Dholagarh Devi ay anyong batang babae na may walong braso. Ayon sa ina ng sanggol na si Sarju, nakatira sila malapit sa templo ni Dholagarh Devi.
Ayon sa mga eksperto, maaaring ipatanggal ang mga sobrang daliri ngunit wala pang pahayag ang mga magulang kung ipaoopera ang anak.