^

Punto Mo

Ang mala-teleseryeng away ng magkapatid

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Magkapatid sa ina sina Alice at Meryl. Simula pa sa pagkabata ay lagi na lang may namamagitang kumpetensiya sa lahat ng bagay—sa pagmamahal ng kanilang ina, achievements sa school at ang pinakamatindi, pag-ibig sa iisang lalaki, si Ricky. Ang kumpetensiya ay nagbunga ng malaking “gap” sa relasyon ng magkapatid. In fact, mas madalas pa silang mag-away kaysa magkasundo. Namatay ang kanilang ina na walang nagawa para sila pagkasunduin. Upang maiwasan ang isa’t isa, hinati nila, literally ang bahay na ipinamana ng kanilang ina. Dalawang bahay sa iisang bakuran.

Si Alice talaga ang type ni Ricky kaya walang nagawa si Meryl para agawin ito sa kanyang ate. Inggit na inggit ito sa wedding gown ng kapatid na inorder pa ni Ricky sa sikat na couturier sa New York na si Vera Wang. Marami naman ang nanliligaw kay Meryl pero ewan ba niya kung bakit si Ricky lang ang gusto niyang mapangasawa. Araw-gabi ay iniimadyin niya at dinadasal-dasal na sana, isang araw ay siya naman ang maging misis ng bayaw.

Para namang umaayon ang pagkakataon sa makasariling wish ni Meryl dahil isang araw ay na-diagnose ng doctor na may breast cancer si Alice na nasa stage 4 na. Dinalaw ni Meryl ang kapatid. Sarcastic nitong nasabi ang, “Don’t worry ate, Ricky will be in good hands, kapag nag-babu ka na.”

Kahit nanghihina ay buong tatag na sumagot si Alice: “Hindi ka magtatagumpay na makuha mo si Ricky. Kahit ako ay nasa kabilang buhay na, gagawa ako ng paraan na hindi siya mapapunta sa kamay mo dahil makasarili ka. Isinusumpa ko ‘yan. Gusto mo lang siyang makuha dahil hindi mo matanggap na ako ang pinili niyang pakasalan. Hindi mo matanggap na natalo kita sa puso ni Ricky. Kahit sinong babae ang ipalit sa akin, huwag lang ikaw. Alam ko na ibubunton mo sa aking mga anak ang galit mo sa akin kapag ikaw ang naging madrasta nila.” Sa kasamaang palad ay namatay si Alice. Ang bilin nito kay Ricky: “Ang gusto kong isusuot mo sa akin bilang pamburol ay ang aking wedding gown.”

Makalipas ang tatlong buwan pakikipaglaban sa cancer, tuluyan nang bumigay ang katawan ni Alice at namatay. Nakabihis na ang kanyang bangkay ng wedding gown nang dumating si Meryl sa punerarya at pinagsabihan si  Ricky. “Ricky, ipahubad mo ang

wedding gown.”

“Bakit?”

“May pamahiin kami na baka ang kapatid ng namatay ay hindi na makapag-asawa kapag binihisan ang patay ng wedding gown. Heto may dala akong gown na ipapalit diyan.”

Nagtagumpay si Meryl na ipahubad ang wedding gown sa bangkay ni Alice. At hindi lang iyan, napagtagumpayan din niya na akitin si Ricky. Ang wedding gown na ipinahubad niya ang kanyang isinuot. Ayaw niyang magpagawa ng bago upang ipamukha niya kay Alice, kahit nasa kabilang buhay na ito—Hindi lang asawa mo ang naagaw ko, pati ang iyong pinakamamahal na gown. Ha-ha-ha!

Sa araw ng kasal, napansin ng mga tao na tila lasing na naglalakad si Meryl patungo sa altar. Natumba ito bago makarating sa kinaroroonan ni Ricky. Pagdating sa ospital ay Dead On Arrival ito. May allergy sa certain chemical si Meryl. May matapang na chemical na napadikit sa wedding gown noong isinuot ito sa bangkay ni Alice matapos embalsamuhin. Sa sobrang excited ni Meryl na pakakasalan siya ni Ricky, nakalimutan niyang ipa-laundry ang gown. O, tinupad lang ni Alice ang kanyang sumpa na hindi mapapapunta si Ricky kay Meryl kahit kailan.

RICKY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with