^

Punto Mo

Lubid

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Muntik nang mahulog sa kama si Edgar nang sumigaw nang napakalakas si Lanie mula sa kanyang pagtulog. Niyugyog niya ang balikat ng asawa, “Lani! Gising!” Nakalima muna siyang yugyog bago nagmulat ng mata si Lanie. Nang matiyak na totoong gising na ang asawa, saka siya tumakbo palabas ng bedroom para kumuha ng tubig sa kusina upang ipainom sa asawa. Ikinuwento ni Lani ang napanaginipan niya na nagdulot sa kanya ng kilabot.

Naglalakad ako sa bukid isang gabi, napadaan ako sa isang puno ng lansones, pagtingala ko ay bangkay mo na nakabitin sa puno ang aking nakita.

Sino ang bumigti sa akin?

Hindi ko nakita. Basta’t ang eksena ay nakapulupot na sa iyong leeg ang lubid at patay ka na.

Pagkaraan ng isang linggo, muli na namang nanaginip si Lanie. Ang eksena: Namumuti (harvest) ng lansones ang kanilang farm caretaker na si Milo. Pinansin niya ang lubid na ginamit nito sa pamumuti dahil may kulay pulang pintura ang bandang gitna.

Ikinatwiran ni Milo na palatandaan niya iyon dahil minsan ay nagkakapalit sila ng lubid ng isa pa ring caretaker na si Jun. Naninibago raw siya kung ibang lubid ang kanyang ginagamit kapag namumuti ng lansones. Ang panaginip ay nagpalit ng eksena. Nakabitin na ang bangkay ni Edgar.

Habang sumisigaw si Lanie sa pagkagulat, napansin niya ang pulang pintura sa lubid na bumigti sa kanyang asawa.

Kinaumagahan, ikinuwento ni Lanie kay Edgar na alam na niya kung sino ang bumigti dito sa panaginip.

Si Milo ang bumigti sa iyo. Tanggalin mo na siya bilang caretaker. Who knows, ang panaginip ko ay warning na mag-ingat tayo kay Milo!

Lanie, hindi makatarungan ang gusto mong mangyari. Limang taon na nating katulong sa bukid si Milo at wala siyang masamang ipinakita sa atin. Nakakahiya doon sa tao. Hindi ko siya kayang paalisin.

Kung hindi mo kaya, ako ang kakausap sa kanya!

Nang araw ding iyon, pumunta sa bukid si Lanie. Maayos niyang kinausap si Milo at sinabing hindi na nila kailangan ang serbisyo ng caretakers dahil ibebenta na nila ang bukid pagkatapos ng lansones season. Naisip ni Lanie na pareho nang tanggalin ang dalawang caretakers upang hindi maghinala ng masama si Milo.

Nang oras ding iyon, nilisan ng caretakers ang kubo na tinutuluyan nila pagkatapos silang bayaran ni Lanie ng kanilang huling suweldo. Wala na ang dalawa nang dumating sa bukid si Edgar.

Ipinasya niyang bisitahin ang taniman ng lansones upang tantiyahin kung marami pang bunga ang puputihin sa last batch. Pagtingin niya sa itaas ng isang puno, ito ay may nakasabit na duyan. Minsan kailangang bantayan ng caretaker ang mga puno sa gabi laban sa pagsalakay ng mga kabag (fruit bats). Nagsisindi sila ng sulo na nakatali sa puno.

Gumagawa naman ng duyan ang caretaker sa itaas ng puno at doon humihiga sa gabi. Hindi sila malalapitan ng mga kabag dahil takot ang mga ito sa sinag ng sulo. Grabeng lumamon ng lansones ang mga ito, halos ubusin ang bunga ng lahat ng puno.

Umakyat si Edgar sa puno upang tanggalin ang duyan. Umulan ng araw na iyon kaya medyo madulas ang puno. Nang tinatanggal niya ang lubid ng duyan, dumulas ang kanyang paa at nahulog. Pumulupot sa kanyang leeg ang lubid. Biglang dumating si Lanie. Kitang-kita niya nang mangisay ang asawa hanggang mamatay. Nahagip ng kanyang paningin ang pulang pintura sa lubid.

LUBID

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with