^

Punto Mo

Kulay berdeng mundo

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

May isang bilyonaryo na may malalang sakit sa mata. Kapag iminumulat niya ito, nakadarama siya ng hapdi sa kanyang mata kaya madalas ay nakapikit siya buong araw. Naikonsulta na niya ito sa mga magagaling na doktor sa mata ngunit lalo lang tumindi ang sakit nito. May nabalitaan siyang monk na nanggagamot at nakapagpapagaling sa lahat ng klase ng sakit.

Ipinatawag niya ang monk at sinuri nito ang idinadaing na masakit na mata. Sa bandang huli ay ito ang reseta ng monk: Mag-concentrate ka lang sa pagtingin sa mga bagay na kulay berde.

Upang makaseguro na berde lahat ang kanyang makikita, pininturahan niya ng kulay berde ang kanyang buong mansion. Epektibo ang pagtingin sa kulay berde. Hindi na sumasakit ang kanyang mata.

Kaya nagpasya ang bilyonaryo na berde rin ang ikulay niya sa mga gusali na pag-aari niya.Ang kasunod ay pagpapalit ng kulay ng uniform ng  mga empleyado. Ang dating kulay pulang uniform ay pinalitan ng kulay berde. Hindi rin nakaligtas ang kanyang magagarang sasakyan na pinalitan niya ng pinturang berde.

Isang araw, binalikan siya ng monk na nanggamot sa kanya. Kulay orange ang suot nito kaya bago pa lumabas ng kuwarto ang bilyonaryo, dali-daling binalot ng mga bodyguards ng berdeng tela ang monk. Bumabalik kasi ang sakit ng mata nito kapag nakakakita ng ibang kulay. Nadatnan ng bilyonaryo sa salas ang monk na tawa nang tawa habang natataranta binabalot ito ng berdeng tela ng kanyang mga bodyguards. Nang magkaharap na ang dalawa, nagsalita ang monk sa bilyonaryo:

“Imposibleng mabalot mo ang buong mundo ng kulay berde. Sana nagpasadya ka na lang sa iyong optometrist ng eyeglasses na may kulay berdeng lens nang sa ganoon ay lahat ng bagay na makikita mo ay berde. Sayang ang malaking pera na nagastos mo sa pagpapapintura. Imposibleng mabago mo ang buong mundo. Upang mabago mo ito nang ayon sa iyong kagustuhan,  umpisahan mo ang pagbabago sa iyong sarili.”

Once we change our vision, the world will appear accordingly. It is foolish to try to shape the world, let us shape ourselves first.

SAKIT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with