31. Manipis na cotton ang gamiting pantulog kung tag-init.
32. Gumamit ng earplug para hindi marinig ang anumang ingay habang natutulog.
33. Gumamit ng pantakip sa mata para hindi maabala ng liwanag (liwanag mula sa full moon o lamp post) na nakakalusot sa bintana.
34. Iwasang gumamit ng cellphone bago matulog dahil ang radiation na nagmumula dito ay nakakaapekto sa pagpo-produce ng melatonin na tumutulong para mahimbing tayo sa pagtulog. Landline ang gamitin sa gabi.
35. Gumamit ng tamang night light—7 watt incandescent bulb para yun ang sisindihan kung babangon para mag-toilet. Nakakaabala sa pagtulog kung ang sisindihang ilaw ay yung ilaw ng kuwarto na sobrang maliwanag.
36. Kung iidlip sa araw, doon ka matulog sa labas ng iyong bedroom para hindi ka mahimbing. Kung mahihimbing ka sa pagtulog sa araw, masisira ang iyong sleep pattern sa gabi.
37. Nakakaabala sa pagtulog ang mayroon kang katabing asawa na malakas maghilik. Pahintuin ang kanyang paghilik sa pamamagitan ng pag-elevate ng inyong bed kagaya ng ginagawa sa mga higaan sa ospital. Maglagay ng bricks sa ilalim ng inyong kama para pagtulog ninyo ay naka-elevate ang inyong likod (upper torso) hanggang ulo. Nakakatulong ang ganitong posisyon para huminto ang paghihilik.
38. Palitan ang lumang unan. Hindi maganda ang unan na sobrang flat. Mas maganda kung bahagya itong nakaumbok para maiwasan ang neck or back pain.
39. Kung my chronic neck aches, gumamit ng orthopedic pillow para maging komportable ang iyong paghiga.
40. Isang unan lang ang gamitin. Ang paghiga sa patung-patong na unan ay nagiging sanhi ng masakit na balikat at leeg. (Itutuloy)