BILANG na ang araw ng mga scammers at cybercriminals. Nagsama na ng kapabilidad ang Philippine National Police at and Department of Information and Communications Technology para magkaroon ng safer, more secure at digitally empowered na Pinas. Sina PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. at DICT Secretary Ivan Uy ay nagpirma ng Memorandum of Agreement nitong Lunes para maging harmonized at seamlessly coordinated ang kanilang ICT system. Araguuyyyyy! Hehehe! Pasikip nang pasikip na ang ginagalawan nitong mga scammers at cybercriminals! Mismooooo!
“The effective utilization of ICT assumes a paramount significance in safeguarding the welfare, security, and overall prosperity of our society. Recognizing this, the PNP, as the primary law enforcement agency, and the DICT, entrusted with harnessing the potential of ICT for national development, recognize the value of collaboration in achieving our shared goals,” ani Acorda. Ano pa nga ba!
Ang primerang hangarin ng PNP at DICT ay tuldukan ang mga illegal operations, combat human trafficking, at protektahan ang Pinas sa samu’t-saring scams at cybercrimes. Dapat lang, mapuksa na ang mga scammers na milyones na ang kinita sa unsuspecting victims, di ba mga kosa? Dipugaaaaa! Weder-weder lang talaga!
Natuwa naman si Acorda dahil sa MOU magkaroon sila ng intelligence sharing ng DICT, joint response to cyber incidents, capacity building, at palitan ng best practices at technical expertise.“These vital efforts addresses the emerging challenges and opportunities in the digital landscape,” ang giit ni Aoorda. Eh di wow!
Sa kasalukuyan, ang PNP ay nagsusulong ng digitalization efforts, lalo na sa pamamagitan ng kanilang Secured, Mobile, Artificial Intelligence-Driven, Real-Time Technology (SMART) policing- ang hakbangin na gumagamit ng teknolohiya para bigyan lakas ang pulisya, paunlarin ang operational efficiency at labanan ang scams at iba pang cybercrimes. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Sa ilalim ng SMART policing, ang National Police Clearance System ay isinulong sa aabot sa 779 PNP police stations at mall sa buong Pinas. Siyempre, mabilis na ang pagkuha ng mga Pinoy ng police clearance, di ba mga kosa? Hindi lang ‘yan! Nagagamit din ang SMART para paunlarin ang investigative capabilities ng PNP, lalo na sa aspeto ng Firearms Identification System (FIS) na isang sandata para mapabilis ang pagkilanlan ng baril na ginamit sa kriminalidad. Eh di wow!
“In today’s digital age, the effective utilization of ICT assumes a paramount significance in safeguarding the welfare, security, and overall prosperity of our society,” ani Acorda. Binigyan parangal ni CPNP ang mga awardees ng DICTM sa liderato ni Maj. Gen. Bernard Banac dahil sa kanilang pamamaraan para i-develop ang ICT programs at proyekto na nagpaunlad ng transformative changes sa law enforcement sa Pinas. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Ikinatuwa naman ni Acorda ang resulta ng Pulse Asia survey na naglalahad ng 67 percent approval ratings ng mga Pinoy ang PNP samantalang 64 percent naman sa promoting peace at fighting crimes. Abangan!