ISANG lalaki sa Spain ang nakapagtala ng bagong world record matapos makumpleto sa ilang segundo ang 100-meters sprint habang nakasuot ng sapatos na de takong!
Kinumpirma kamakailan ng Guinness organization na ang Spanish serial record-breaker na si Christian Roberto Lopez Rodrigues ang bagong record holder ng titulong “Fastest 100-meters in high heels”.
Nakumpleto ni Rodrigues ang 100-meters sprint sa loob lamang ng 12.82 seconds. Ang oras na ito ay sobra ng 3.24 seconds upang matapatan ang record ng pinakamatulin na tao sa buong mundo, si Usain Bolt.
Sa panayam kay Rodrigues, ginagawa niya ang mga 100-meters sprint para maging inspirasyon sa mga kapwa niya may Type 1 diabetes na hindi imposibleng gawin ang mga mahihirap na physical challenges.
Bukod dito, nakapagtala na nang maraming world record si Rodrigues tulad ng: Fastest 100m blindfolded, Fastest 100 m in clogs, Fastest 100m run backwards, Fastest 100m balancing a baseball bat on a finger, Fastest 100m balancing a guitar on a finger, Fastest 100m carrying a waiting service tray, Fastest 100m while balancing a table tennis ball on a bat, Fastest 100m juggling three objects whilst blindfolded, Fastest 100m balancing a pool cue on a finger, Fastest 100m run backwards carrying a 60 lb pack, Fastest 100m backwards on a single leg, Fastest 100m in a sack.