Kung iinom ng buko juice araw-araw  

• Titibay ang immune system para hindi ka tablan ng bacteria na nagiging sanhi ng urinary tract infections, gonorrhea, gum diseases at viruses na sanhi ng cold, infection diseases at typhus.

• Kung iinom bago kumain ng meal, makakatulong ito para magbawas ng timbang. Nakakabusog kasi ito kaya ang tendency ay kaunti na lang ang kakainin.

• Magsisilbing “purga” kung hahaluan ng olive oil ang buko juice. Ang mixture ay makakapagpalabas ng bowel parasites.

• Uminom ng isang basong buko juice bago mag-almusal. Nakakatulong ito para mabalanse ang electrolytes. Ang hindi balanseng electrolytes sa katawan ay magiging sanhi ng hypertension.

• Nagtatanggal ng sakit ng ulo dulot ng hangover. Ito ang inumin kinaumagahan pagkatapos ng lasingan nang nakaraang gabi.

• Ang isang basong buko juice araw-araw ay sapat na upang manatiling hydrated at nagniningning ang kutis.

• Nakakatulong upang mabilis ka nang matunawan ng pagkain dahil mayaman ito sa fibers.

• Nakakatulong sa mga may sakit sa bato dahil nagsisilbi itong pampaihi at “dinudurog” nito ang kidney stones. Kapag durog na, kusa itong lalabas sa katawan kasama ng ihi.

• Nakakatanggal ng pagod dahil nanunumbalik ang lakas pagkainom ng buko juice.

 

Show comments