Sabi ng karma

Kung hindi sinusuklian ng iyong itinuturing na mga ka­ibigan ang mabuting pakikisama na ibinibigay mo sa kanila, huwag magdalawang isip na layuan sila.

Kapag nilayuan mo ang taong hindi nagpapahalaga sa iyo, hindi ibig sabihin noon ay nagagalit ka sa kanila. Iyon ay simpleng pagrespeto lang sa iyong sarili. Hindi lahat ng tao ay nararapat manatili sa iyong buhay.

Iwasan mong lagi kang “available” tuwing kailangan ka ng mga taong nakapaligid sa iyo. Nakakabawas iyon ng iyong “value” at importansiya.

Huwag itodo ang pagmamahal sa isang tao kung hindi naman pala kasinglalim ng pagmamahal mo ang kanyang pagmamahal sa iyo. Kung gaano kalalim ang pagmamahal mo sa maling tao; ganoon din kalalim ang lilikahain nitong sugat sa puso mo.

Minsan, ang kamay ng Diyos ang gumagalaw para ilayo ka sa mga maling tao. Narinig kasi Niya ang usapan nila na may binabalak silang masama sa iyo ngunit wala kang alam. Kaya kung naranasan mong ma-ghosting kahit wala kang maling ginawa, huwag malungkot, baka tinulungan ka lang ng Diyos na ilayo sa kapahamakan. 

Hindi mo mababago kung ano ang tingin sa iyo ng ibang tao. Hayaan mo na lang sila. Just live your life and be happy.

Maiintindihan mo lang kung gaano kasakit, emotionally, ang ginawa mo isang tao kung may isang tao rin na mananakit sa iyo.

Show comments