^

Punto Mo

Bully  

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

BAGO maganap ang grand alumni homecoming sa high school, nagkaroon muna ng small party ang aming batch dahil ang balikbayan naming kaklase mula sa U.S. ay hindi na makaka-attend sa mismong petsa ng homecoming dahil kailangan na niyang makabalik sa U.S.

Umuwi ako sa probinsiya para roon pero pagdating ko, sumama ang aking pakiramdam kaya hindi na ako nakasipot sa party. Parang ako tuloy ang balikbayan na dinayo ng mga kaklase ko sa aming bahay.

Pagdating ng aking mga kaklase sa aming bahay, niyakap ako ng isa kong kaklaseng babae na naging kaklase ko rin noong elementary. Iyon ang una naming pagkikita after 46 years or after high school graduation. Sabi niya habang nakayakap sa akin: Patawad. Dalawang beses niyang binanggit ang salitang “patawad”. Nagtataka akong napatingin sa aking mga kaklase.

May isang nagsalita para maunawaan ko ang nangyayari. “Napagkuwentuhan namin kanina na noon palang nasa Grade 3 tayo ay sinakyan ka niya sa likod habang nagluluksong baka”. Sa madaling salita ay ginawa akong kabayo. Umiyak ako noon. Nakita ng tiyahin kong titser ang nangyari. Pinagalitan niya ang kaklase ko.

“Diyos ko, ang tagal na noon. Kinalimutan ko na ‘yun” Sabay hagikgik ng tawa. Hindi ko lang masabi: Pinagkakitaan ko na ‘yang istoryang iyan sa aking kolum.

Bully noon ang kaklase kong babae. Halos lahat ng mga kaklase ko ay ginawan niya ng kapilyahan. Titser kasi ang ina kaya walang makapiyok. Ang ikinagulat ko ay ito: Kaya pala hindi makalimutan ng kaklase kong iyon ang ginawa niya sa akin ay pinuntahan pala siya ng aking ama (hindi malinaw kung sa bahay o school) para pagalitan sa ginawang kalokohan sa akin.

Ngayon ko lang nalaman ang ginawang iyon ng aking ama pagkaraan ng 54 years. Taong 1969 nang mangyari ang pambu-bully. Pulis ang aking ama kaya kahit sinong bata na sisiga-siga ay mangangatog ang tuhod kapag pinagalitan nito lalo pa at nakauniporme ito. Pagkaalis ng aking mga kaklase at nag-iisa na ako, bigla kong na-miss si Tatay. Napaluha tuloy ako.

BULLY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with