Sa maniwala ka’t sa hindi
1. Kung nakatulog kang maraming iniisip, nananatiling aktibo ang iyong isipan habang natutulog kaya’t paggising mo ay parang pagod na pagod ka.
2. Hindi pareho ang inilalabas na pawis ng iyong kanan at kaliwang kilikili. Mas maraming pawis ang inilalabas ng kaliwang kilikili ng mga right handed samantalang mas pawisin ang kanang kilikili ng kaliwete.
3. Mas mataas ang calories na nasusunog kung ang panonoorin ay horror movies kumpara sa anupamang genre.
4. Senyales ng healthy mind kung naririnig mong may tumatawag sa iyong pangalan kahit sa katotohanan ay wala naman.
5. New York City ang pinakamalakas kumunsumo ng cannabis kumpara sa mga siyudad sa buong mundo.
6. Kapag nasa flight si Michael Jackson kasama ang mga anak, ipinapakiusap niya sa stewardess na ang kanyang alak na inorder ay ilagay sa lata ng diet soda dahil ayaw niyang makita ng mga anak na siya ay umiinom ng alak.
7. Ang mga lalaking mahilig sa mga babaeng malaki ang breast ay karaniwang isang kahig, isang tuka.
8. Karaniwang napapatae ang mga babaeng nanganganak nang normal habang umiire.
9. Sa pag-aaral na ginawa sa U.S., mas maraming bahay na walang nakatira kaysa homeless.
10. Kapag ang iyong buhok ay tumayo, sumilong ka na agad sa lugar na may bubong. Senyales na malapit nang tumama ang kidlat sa kinaroroonan mo.
- Latest