Wheelchair (130)

Sa kabila ng kapansanan ni Karina, lalo namang tumibay ang pag-ibig ni Tito Mon sa asawa. Lalong napamahal ang asawa sa kanya. Patuloy din niyang pinatse-tsek-ap sa doctor ang kalagayan nito. Pero wala pa ring masabi ang doctor sa misteryosong sakit ni Karina na nawalan ng pakiramdam ang dalawang paa dahilan para hindi makalakad. Naparalisa si Karina.

“Hindi talaga malaman ng doctor kung ano ang dahilan nang pagkaparalisa ni Karina,” pagkukuwento ni Tito Mon kay Jong. “Ngayon lang daw naka-encounter ng ganung kaso ang doctor,’’ dagdag pa ni Tito Mon.

“Misteryosong sakit ang tumama sa kanya Tito Mon?’’ tanong ni Jong.

“Oo.’’

“Wala naman pong masamang nangyari mula noon Tito. Ibig ko pong sabihin, hindi na kayo nasundan ng mga magulang ni Karina.’’

“Yun ang akala namin ni Karina. Kasi matagal din na wala kaming na­ramdaman na hinahanap kami o kaya’y may sumusubaybay. Kasi mahirap ding matunton ang lugar na kinaroroonan namin.’’

“Kaya napanatag na kayo nang lubusan?’’

“Hindi! Mali ang akala namin. Isa palang matin­ding pangyayari ang magaganap sa amin ni Karina.’’

“Ano Tito?’’

“Ipinapasyal ko si Karina sakay ng wheelchair nang tatlong lalaki ang umagaw kay Karina. Nang ayaw kong ibigay, binugbog ako!’’

Itutuloy

Show comments