^

Punto Mo

Lalaki sa india, buko lang ang tanging kinakain sa nakalipas na 28 taon!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 64-anyos na la­laki sa Kasaragod, India ang nakatagal ng 28 taon na ang tanging kinakain sa araw-araw ay laman at sabaw ng buko!

Noong kabataan ni Balakrishnan Palayi, ma­lakas ang kanyang panga­ngatawan at manlalaro siya ng football sa isang lokal na koponan. Ngunit noong siya’y 35-anyos, na-diagnose siya ng mala­lang pangangasim ng sikmura o gastroesophageal reflux disease (GERD).

Dahil seryoso ang nararanasang GERD ni Palayi, sa tuwing siya’y kakain ay agad nagkakaroon ng reflux sa kanyang sikmura at isinusuka lamang niya ang kanyang nakain.

Maraming sinubukan na diet si Palayi para tumigil ang pangangasim ng kanyang sikmura pero ang tanging nakapagpatigil sa kanyang karamdaman ay ang pagkain ng laman at sabaw ng buko. Dahil sa takot na bumalik ang kanyang GERD, umabot ng 28 taon na ang tanging kinakain niya lang ay buko.

Sa edad na 64, malakas pa rin ang pangangatawan ni Palayi. Aktibo siya sa pagsasaka ng kanilang bukid, lumalangoy siya araw-araw sa kanilang ilog at wala siyang kahit anong karamdaman.

Maraming pahayagan at news program sa telebisyon ang nag-feature kay Palayi dahil sa unique niyang diet at lifestyle.Pero nagbabala ang mga doktor sa India na hindi dapat tularan ang diet ni Palayi dahil kakaiba ang kanyang kondisyon at hindi nirerekomenda na buko lang ang tanging kainin sa matagal na panahon.

GERD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with