^

Punto Mo

Kailangan bang notaryado at gawa ng abogado ang demand letter?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Dapat po bang ipa-notaryo ang demand letter after itong matanggap ng pagbibigyan? Kaila­ngan din po ba na abogado ang gumawa ng demand letter? —Maila

Dear Maila,

Hindi kailangang notar­yado ang demand letter. Hindi rin kailangan na abogado ang gumawa nito. Ang  mahalaga ay nakasaad sa demand letter ang sinisingil na halaga, kabilang na ang interest at penalties, kung mayroon man, at ang due date o ang petsa kung ka­ilan dapat bayaran ang nasabing halaga. Maari rin ilagay sa demand letter ang banta ng pagsasampa ng kaso kung hindi pa magbayad ang sinisingil. Ang lahat ng ito ay mahalaga upang maipakita sa korte, sakaling matuloy ang pagsasampa ng kaso, na nasi­ngil ng maayos ang may utang at nabigyan siya ng sapat na pagkakataon bago humantong ang lahat sa demandahan.

Bukod sa nilalaman nito, ang isa pang mahalagang kailangang tandaan pagdating sa demand letter ay dapat na siguraduhin na matatanggap ito ng mismong si­nisingil. Kung wala kasing pruweba na natanggap ng sinisingil ang liham ay maaring ma-dismiss ang kasong isasampa laban sa kanya. Kung hindi pa kasi nasisingil ang isang may utang ay puwedeng ikatwiran na wala pa siyang sala sa hindi niya pagbabayad kaya maaring sabihin na wala pang “cause of action” o dahilan para magdemanda.

NOTARY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with