Good luck tips  

• Batiin kaagad ng Happy Birthday ang may kaarawan sa umaga upang datnan ng magandang kapalaran ang may ka­arawan at ang bumabati.

• Ang jade plant ay inilalagay sa Southeast corner ng bahay upang magdala ito ng kasaganaan.

• Magdispley ng litrato ng green parrot sa east direction ng iyong shop o tindahan upang suwertehin ang negosyo. Kung nasa online business naman, gamitin mo itong desktop wallpaper.

• Good luck magsuot ng red dress sa araw ng Martes.

• Puti naman ang isuot kapag Lunes. Huwag magsusuot ng black clothes and shoes sa nabanggit na araw.

• Maglagay ng isang pirasong star anise sa iyong bag or wallet para sa magandang kapalaran.

• Iwasang pagtapatin ang dalawang mirror sa bahay. Nagreresulta ito ng mainiting ulo ng mga residente.

• Huwag mag-iiwan ng mga hugasing pinggan sa gabi. Ang resulta ay kagipitan sa pera at maraming utang. Maglinis ng kusina bago matulog.

• Magandang mag-displey ng red elephant figurine na ang tusk ay nakataas. Idispley ito sa south direction para sa kasikatan, kasaganaan at tagumpay.

• Tanggalin ang mga luma/expired/tira-tirang pagkain sa refrigerator. Lumilikha ito ng hindi magandang energy na makakaapekto sa inyong health at well-being.

Show comments