^

Punto Mo

Ano ang ipinagkaiba ng retrenchment sa redundancy?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Ano po ba ang pinagkaiba ng retrenchment sa redundancy? Ano po kaya ang mas mainam para sa negosyo namin?—Edison

Dear Edison,

Ang retrenchment at redundancy ay ilan sa mga tinatawag na “authorized causes” o pinapayagang dahilan ng pagtatanggal ng empleyado sa ilalim ng ating batas. Sa retrenchment, ang pagtatanggal ng empleyado ay isinasagawa dahil sa pagkalugi ng negosyo o upang maiwasan ito.

Sa redundancy naman, hindi kailangang lugi ang negosyo upang magtanggal ng empleyado, kailangan lamang patunayan ng employer na higit na ang dami ng kanilang empleyado sa bilang na kinakailangan ng kanilang negosyo.

Magkaiba rin ang halaga ng separation pay na babayaran ng employer para sa mga empleyadong matatanggal. Sa retrenchment, ang separation pay ay katumbas ng kalahating buwang sahod para sa bawat taon ng kanyang itinagal sa serbisyo. Kung redundancy naman ang basehan ng pagkakatanggal ng ­empleyado, ang separation pay na matatanggap niya ay katumbas ng isang buwang sahod para sa bawat taon ng kanyang naging serbisyo sa employer.

Hindi ko masasabi kung ano ang mas mainam para sa negosyo n’yo base lamang sa katanungan mo ngunit kailangan kong banggitin na kung anuman ang maging dahilan n’yo sa pagtatanggal n’yo ng empleyado, kailangang totoo ito at nakahanda kayong patunayan ang inyong basehan.

Ibig sabihin, hindi maaring mamili ang employer sa gagamitin niyang dahilan ng pagtatanggal ng empleyado base sa matitipid ng negosyo. Kung mabisto kasi ang employer na hindi pala makatotohanan ang sinasabi niyang basehan ng pagtatanggal ng empleyado, maari pa siyang patawan ng daños na kailangan niyang bayaran bukod pa sa separation pay na itinakda ng batas.

RETRENCHMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with