ISINILANG si Alexander the Great noong 356 B.C.E. ng inang si Olympias. Ang kanyang ama ay si King Philip II ng Macedon Empire. Si Olympias ay anak ni King Neoptolemus ng Epirus. Kahit ikaapat lang na asawa ni King Philip si Olympias sa walong asawa, naging espesyal ito sa hari dahil nabigyan niya ito ng lalaking anak, si Alexander.
Nagkaroon muli ng ikasiyam at batang-batang asawa si Philip na isang purong Macedonian. Kapag nagkaanak ito ng lalaki, mas papaboran ito na maging tagapagmana ng trono dahil purong Macedonian. Hindi purong Macedonian si Alexander dahil si Olympias ay taga-Epirus.
Matapos manganak ng lalaki ang ikasiyam na asawa, natagpuan na lang isang araw na wala nang buhay ang mag-ina. Maraming naghinala na marahil ay si Olympias ang nagpapatay sa mga ito. Pero dahil walang pruweba, nakalimutan na ang mga pangyayaring ito.
Si Alexander ang naupong hari nang mamatay si Philip na hinihinalang si Olympias din ang nagpapatay. Tinulungan niya ang anak sa pamumuno. Ginamit ni Olympias ang pagiging snake charmer. Kaya niyang pasunurin ang ahas sa pamamagitan ng pagbulong dito ng mga mahiwagang salita. Ginamit niya iyon sa mga advisers ni Alexander.
Namuno si Alexander na walang kumokontra sa mga desisyon nito. Kung puwede lang siyang sumama sa bawat giyerang pinupuntahan ng anak, ito ay gagawin niya para makatiyak na hindi matatalo ang anak. Ganun niya kamahal ang anak.
Ngunit isang araw, sa edad na 32, ang pinakamamahal na Alexander ni Olympias ay biglang nagkasakit ng malaria na ikinamatay nito. Kahit pa gaano katuso si Olympias, kapag si Kamatayan na ang magiging katalo niya, wala siyang magagawa kundi tanggapin ang pangyayari.