^

Punto Mo

Pinakamatandang tao sa buong mundo, matatagpuan sa Spain!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KINUMPIRMA kamakailan ng Guinness World Records na isang lola sa Spain ang pinakamatandang tao sa buong mundo sa edad na 115.

Naberipika ng Guinness noong Enero 19, 2023 na si Maria Branyas Morera ng Catalonia, Spain ang kasalukuyang may hawak ng titulong “Oldest Person Living” sa edad na 115 years and 321 days old.

Si Morera ang naging pinakamatandang tao sa buong mundo matapos sumakabilang buhay ang previous record holder na si Lucile Randon a.k.a. Sister Andre sa edad na 118.

Ipinanganak si Morera noong Marso 4, 1907 sa San Francisco. Lumipat ang kanilang pamilya sa Spain noong siya’y walong taong gulang.

Kasalukuyang naninirahan sa Residencia Santa Maria del Tura nursing home at siya ay nasa maayos na kalusugan.

Sa edad na 115, may sari­ling Twitter account si Morera at nakakapag-post siya ng mga tweet sa tulong ng kanyang anak.

Ayon sa isang tweet ni Morera, umabot siya sa edad na 115 sa pamamagitan ng maayos na pakikitungo sa pamilya at mga kaibigan, pagiging positibo sa mga pinagdadaanan at pag-iwas sa mga toxic na tao.

 

AGE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->