^

Punto Mo

Courtesy resignation ng police officials, wala sa PNP law?

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

INIHAMBING ang panawagan ni Interior Sec. Benhur Abalos na magsumite ng courtesy resignation itong 956 heneral at colonel ng Philippine National Police (PNP) sa ganito ding sitwayon noong panahon ni ex-President Fidel Ramos. Tama si Abalos sa pagsasabing naiiba lang ang rason sa dalawang panawagan. Dito sa pakiusap ni Abalos ay para malinis ang hanay ng PNP sa tinatawag na opisyal na sangkot o may bahid ng droga ang service record.

Noong panahon naman ni Ramos ito ay dahil sa pagtalaga niya kay ret. Gen. Recaredo Sarmiento III bilang PNP chief. Si Sarmiento kasi mga kosa, na miyembro ng Philippine ­Military Academy (PMA) Class ‘66 ay batambata at nilampasan ang maraming seniors niya. Hindi maganda na magsi-Sir si Sarmiento sa seniors niya na kinaugalian sa PMA. Alright!

Marami rin ang tumugon sa panawagan ni Ramos subalit inisnab ito nina ret. Gen’s. Percival Adiong at Agerico Kagaoan, ang Deputy Chief for Administration at Deputy Chief for Operations, respectively. Naparusahan ba sina Adiong at Kagaoan? Hindi! Nagretiro sila sa puwesto nila. Eh di wow! Hak hak hak!

Kung sabagay, wala naman sa batas ng PNP na nagsasabing mag-courtesy resignation ang isang opisyal o personnel kapag napagdudahn siyang sangkot sa droga at ano pang katiwalian, di ba mga kosa? Dipugaaaaa! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Malaking bahagi naman sa tinatawag na 3rd level police officers ang tumugon sa panawagan ni Abalos na mag-courtesy resignation, kabilang na ang command group, ang tropa nina NCRPO director Maj. Gen. Jonnel Estomo, CIDG director Maj. Gen Ronald Lee, PRO4-A director Brig. Gen. Tateng Nartatez, PRO4-B director Brig. Gen. Sidney Hernia, PRO6 director Brig. Gen. Leo Francisco at Cordillera director Brig. Gen. Maffy Bazar. Puro PMA Class ‘92 ah. Alam na! Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang yan.Dipugaaaaa! 

Para sa kaalaman n’yo mga kosa, may isang 4-star general sa PNP, walo ang lieutenant general, 21 na major general at 114 na brigadier general at 812 full colonel. Wala pang datos kung ilan na sa kanila ang nag-file ng courtesy resignation. Eh di wow! Ang maliwanag lang dito, walang itinatago na baho sa droga sina Estomo, Lee, Francisco, Nartatez at Bazar, maging ang kani-kanilang mga opisyal, di ba mga kosa? Dipugaaaaa!

Inamin ni Abalos na kaya naisipan nilang linisin ng hanay ng PNP sa mga opisyal na sangkot sa droga ay dahil na rin sa puna ni Sen. Bato dela Rosa na bumalik na naman ang “ninja cops” sa dating gawain nila. Ito ay matapos mahulihan si Sgt. Rodolfo Mayo Jr. ng PDEG, ng aabot sa 990 kilos ng shabu sa Tondo at mahuli ang buong PDEA team na sangkot sa bentahan ng droga. Wala namang timeline na ibinigay si Abalos para magsumite ng courtesy resignation ang 956 na police officials . Sa mga sumuway naman sa kanyang pakiusap ay “they will be dealt with in accordance with the rules and regulations and the law,” ani Abalos. Dipugaaaaa! Hak hak hak!

Ano kayang batas ang gagamitin ni Abalos para parusahan ang mga heneral at colonel na sumuway sa pakiusap niya? Abangan!

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with