^

Punto Mo

Puwede bang mademanda kahit wala namang pinangalanan sa post?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Puwede ba talaga akong made­­manda dahil sa pinost ko online kahit wala naman akong pinanga­lanan sa post ko? May nagbanta kasi sa akin na idedemanda niya raw ako. Sigurado raw siya na tungkol sa kanya ang post ko kaya kakasuhan niya pa rin daw ako ng cyber libel kahit pa raw wala akong binanggit na pa­ngalan sa aking post. —Clarisse

Dear Clarisse,

Sa libel at cyber libel, hindi naman kailangan na diretsong nabanggit ang pangalan ng biktima ng libelous o mapanirang post pero kailangan pa rin na maaring matukoy o makilala ng mga nagbabasa na ukol nga sa kanya ang paninira.

Sapat na na ang post ay naglalaman ng mga deskripsyon o mga detalye na tutukoy sa kung para kanino ang mga paninira (Borjal v. Court of Appeals, G.R. No. 126466, January­ 14, 1999). Ayon sa kaso ng Kunkle v. Cablenews-American and Lyons [42 Phil. 757 (1922)], masasabing tukoy ang pinatutung­kulan ng isang mapanirang post o artikulo kung makikilala ng ibang tao kung para kanino ito.

Base sa mga nabanggit, nakadepende ang sagot sa iyong katanungan kung may mga detalye ka bang inilagay sa iyong ipinost na maaring tumukoy sa nagbabanta ng demanda laban sa iyo. Dapat kasi ay matukoy ng ibang tao kung para kanino ang paninira. Kung hindi malalaman ng mga nakabasa ng post kung sino ang pinatutungkulan ng post, hindi masasabing libelous­ ito.

Kaya hindi puwedeng ang nagbabanta ng demanda sa iyo ang tanging nakaaalam na para sa kanya ang post. Para masabing may libel, kailangang malinaw rin sa ibang tao ang paninira at kung sino ang pinatutungkulan nito bukod sa mismong tao na sinasabing siyang paksa ng mapanirang post o article.

vuukle comment

CASE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with