Kung takot sa dilim
Ang katotohanan mas takot ka kung ano ang nagtatago sa dilim at hindi sa dilim mismo. Mag-iimadyin ka ng kung anu-anong nakakatakot na creatures na maaaring nagtatago sa dilim. Ayon sa psychologist, ang duwag sa dilim ay may mahusay na malikhaing isipan. Karamihan sa kanila ay manunulat, designers, artists at iba-ibang talent na nangangailangan ng mayamang imahinasyon. Upang mabawasan ang takot sa dilim, iwasang manood ng horror movies.
Kung takot na mabigo
Sila ‘yung mga taong nag-uumpisa pa lang gawin ang project ay nakakadama na ng takot na baka sila mabigo. Kaya ang resulta ay natatakot sila sa pagbabago or natatakot na lumabas sa comfort zone. Ang resulta ay hindi umuunlad ang kanilang pagkatao. Sila ang laging naghahanap ng love and acceptance. People pleaser sila dahil ayaw nilang ma-dissapoint ang ibang tao sa kanila.
Kung takot sa germs
Malinis sa paligid ang mga taong may ganitong klaseng takot. Dulot nito, sila ay metikulosa, organized at detail-oriented sa kanilang trabaho na isang kapuri-puring ugali ng empleyado na gustong-gusto ng mga boss. Ang disadvantage lang, mataas ang level ng kanilang anxiety dahil kaunting problema lang ay nasa panic mode na agad sila, na masama sa kanilang mental health.