Crime rate sa Metro, bumaba! — Gen. Estomo
BUMABA na ang bilang ng kriminalidad sa Metro Manila dahil sa pagkalat ng mga pulis sa kalye, malls, shopping centers, parks at iba pang places of convergences. At dahil isiselebra ng mga Pinoy ang Simbang Gabi at Pasko, aabot na sa 14,000 pulis ang nai-deploy ni NCRPO chief Maj. Gen. Jonnel “Esto” Estomo para siguruhin ang seguridad ng Metro Manila laban sa mga kriminal. Inutusan din ni Estomo ang limang police district na magsagawa ng security assessments sa kani-kanilang hurisdiksiyon para matanto ang mga crime-prone areas at planuhin ang deployment ng kanilang foot at mobile patrols. Hehehe!
Walang puwang ang mga kriminal sa Metro Manila sa liderato ni Estomo, di ba mga kosa? Siyempre, nakipag-partner din ang NCRPO sa publiko at religious sectors para mapaganda pa lalo ang serbisyong pulis. Malaki kasi ang paniwala ni Estomo na puwedeng labanan ng sabay-sabay ang problema sa kriminalidad, terorismo, droga, sugal at iba pa subalit dapat may suporta ito ng publiko at simbahan. Mismooooo! Hak hak hak!
Sa sobrang sipag ng ating mga pulis sa NCRPO sa ngayon, abayyyyy dapat lang magsitabi muna ang mga kriminal at ipa ba at baka sa kulungan sila mag-Christmas. Dipugaaaaa!
Mula nang maupo sa NCRPO si Estomo noong Agosto 25, dahan-dahang bumaba ang crime index sa Metro Manila dahil sa pag-deploy ng mga pulis sa tinatawag na crime prone areas na ikinatuwa ng mga Pinoy. Ayon kay NCRPO spokesman Lt. Col. Dexter Versola naka-record sila ng 663 eight-focused crimes noong September, 596 noong October at 468 noong November. Walastik!
“Ang pagbaba ng crime rate ay dahil sa programa na inilunsad ng ating regional director na tinatawag na SAFE NCRPO which is an acronym for “the police must be seen, all programs must be appreciated by the people, all program must be felt by the people and all actions must be extra ordinary,” ani Versola. Iginiit pa ni Versola na ang index crimes noong November ay sobrang malayo sa 829 na naitala noong 2020 at 599 ng nakaraang taon. Sorang tuwa ng mga Metro Manilans nang makita nila ang pagdagsa ng mga pulis sa halos lahat ng sulok ng Kamaynilaan, ang pahabol pa ni Versola. Eh di wow! Hak hak hak! Walang kokontra ha mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Mismooooo!
Nais din ni Estomo na alam ng kanyang mga opisyales ang kanilang trabaho kaya’t nagulat ang mga ito nang magsagawa siya ng written examination nitong nakaraang weekly staff meeting sa NCRPO conference room sa Camp Bagong Diwa, Taguig City. Kasama sa tinalakay sa exams ang definition ng mga technical terms ng mga programa na pinapairal ni Estomo para ma-appreciate at maintindihan nila ang kanilang trabaho.
May punto si Estomo dito ha, di ba mga kosa? Siyempre, kaakibat nito ay ang aktibidades na isinulong ni Col. Romy Paigue, ang hepe ng Regional and District Community Affairs Development Division para magkaroon ng magandang relasyon ang NCRPO sa publiko at lider ng mga simbahan. Eh di wow! Abangan!
- Latest