‘‘TAMA ang naisip mo Ginger, maghanap pa tayo ng mga batang tutulungan at pag-aaralin. Sa dami ng pinamana sa atin ni Tatang Nado, hindi yan mauubos. Bukas na bukas din ay bumili tayo sa bayan ng mga ipapamahagi nating pagkain at mga gamot para sa mahihirap sa barangay na ito. At sa sunod sa katabing barangay naman,’’ sabi ni Anton.
‘‘Oo, Anton. Kaya tayo pinagkalooban ng ganitong karaming kayamanan ay para maibahagi sa iba. Kailangan nating mai-share ang kayamanan na ipinagkaloob sa atin. Maghahanap din tayo ng mga batang bibigayan natin ng scholarships. Maraming bata ang matatalino ngayon. Gusto nilang mag-aral pero wala namang ikakaya ang mga magulang. Kaya tayo na ang magpapaaral sa kanila. Ibubuhos natin ang pagpapala sa kanila.’’
‘‘Gusto mo magpatayo ng school dito. Libre lahat. Para hindi na lalayo pa ang mga bata.’’
‘‘Good idea, Anton. Sige, umpisahan na natin ang pamamahagi at pagsi-share ng grasya.’’
‘‘Bukas na bukas din, maghahanap ako ng kontraktor para gumawa ng school buildings. Kailangang maitayo sa lalong madaling panahon.’’
(Itutuloy)