^

Punto Mo

Guilty na ba kaagad sa BP 22 kapag tumalbog na ang tseke?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Nag-issue po ako ng mga post-dated checks para sa buwanang renta ng aking inu­upahang apartment. Tanong ko lang po na kung sakaling tumalbog ang isa sa mga tse­keng inisyu ko ay guilty na ba kaagad ako ng paglabag sa BP 22? Wala na bang paraan upang ako ay makaiwas sa kaso sakaling hindi ko mapondohan sa tamang petsa ang inisyu kong tseke? —Jimmy

Dear Jimmy,

Hindi naman masasabing may paglabag kaagad sa Batas­ Pambansa (BP) 22 ang isang nag-isyu ng tseke sakaling tumal­bog ito. Ang isa sa mga elemento ng krimen ng paglabag sa BP 22 ay ang pagkakaroon ng nag-isyu ng kaalaman na walang pondo para sa tseke at sa kabila ng kaalaman na ito ay hindi pa rin niya binayaran ang halaga ng tseke.

Upang masabi na alam nga ng nag-isyu na walang laman ang kanyang account para pondohan ang tseke, kailangang (1) naipresenta ang tseke sa banko 90 araw mula sa petsang nakasaad doon at tumalbog ito; (2) nakatanggap ng notice ang nag-isyu ng tseke na tumalbog ito; at (3) hindi niya nabayaran ang halaga ng tseke o kaya’y hindi siya nakipagkasundo para bayaran ito sa loob ng limang araw matapos niyang matanggap ang nasabing notice (Resterio v. People, G.R. No. 177438, 24 September 2012).

Sa madaling sabi, hindi pa masasabing nalabag ng isang nag-isyu ng tumalbog na tseke ang BP 22 kung siya ay nakatanggap ng notice ukol sa pagtalbog nito at bago lumipas ang limang araw mula sa pagkakatanggap ng nasabing notice ay nabayaran niya ang halaga ng tseke o hindi kaya’y pumasok siya sa isang kasunduan para sa pagbabayad nito.

RENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with