Paano ginamit ang trahedya para magtagumpay
NOONG 15-anyos pa lang ang Hollywood actress na si Charlize Theron, naging saksi siya nang pagbabarilin ng kanyang ina ang kanyang ama hanggang sa mapatay. Sa murang isip, hindi kakayaning unawain ng isang dalagita kung bakit pinatay ng kanyang ina ang kanyang ama. Pero hindi siya nagpatalo sa naranasan niyang trauma. Pinag-aralan niya ang dahilan ng pangyayari.
Simula pa sa pagkabata ay nakikita na niya na madalas bugbugin ng ama ang kawawa niyang ina. Siguro…paliwanag niya sa sarili, na napuno na ang kanyang ina. Nagsawa na ito sa kalupitan ng kanyang ama. Sa sulok ng kanyang puso ay pinupuri niya ang ina sa paninindigan nito na ipaglaban ang karapatang mabuhay nang walang umaabuso sa kanyang pagkatao.
Iyon ang lagi niyang nilalaro sa kanyang isipan hanggang sa nagkaedad na siya. Kung hindi lumaban ang kanyang ina, malamang na siya naman ang bubugbugin ng kanyang ama. Naging bayani sa kanya ang ina. Positibo lang ang itinanim niya sa kanyang isipan na nagdulot ng malaking tiwala sa kanyang sarili. Kung naging negatibo siya sa nangyari sa kanilang buhay, baka hindi siya naging artista at sa halip ay naging pakawalang babae sa lansangan.
Siya ay isang South African na sinuwerteng maging artista sa Hollywood. Siya ang pinakaunang South African actress na nanalo ng Academy Award. Siya ang gumanap na wicked Queen sa pelikula ni Kristen Stewart na may pamagat na Snowhite and the Huntsman.
“Most of the important things in the world have been accomplished by people who have kept on trying when there seemed to be no hope at all.”— Dale Carnegie
- Latest