MAGALING lumusot ang talunang pulitiko na si Mike Defensor. Hamakin n’yo “swak na siya sa banga” dahil sa mga naglalabasang litrato na nag-preside siya ng meeting sa mga opisyales ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) subalit sa biglang pag-ihip ng hangin ay mukhang nakabawi pa siya.
Sa kanyang press statement, inamin ni Defensor na nandoon talaga siya sa meeting sa imbitasyon ng kaibigang si acting MMDA chairman Carlo Dimayuga para pag-usapan ang Oplan Balik-Eskwela. Dahil dating chief of staff ng Presidente, hiningi ni Dimayuga ang kanyang tulong para sa gagawing hakbangin ng MMDA sa traffic preparations sa school opening, na face-to-face na matapos ang halos dalawang taon na pandemya.
Aniya, ang mga litratong kumalat sa social media ay noong i-raise niya ang isyu ng chokepoints sa traffic, lalo na sa Ateneo at La Salle, na base sa kanyang experience ay palaging heavy ang traffic tuwing school opening. Eh di wow!
Naging paksa rin ng usapin ang bike lanes sa La Salle at estriktong security sa Ateneo, maging ang clearing operations sa mga ongoing constructions malapit sa mga eskuwelahan. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Sinabi naman ni kosang Gracia na kung naging expert man si Defensor sa preparations ng school opening, hindi n’ya natutunan ito sa MMDA, na s’yang nangangasiwa ng traffic sa tuwing magbubukas ang eskuwela. Hehehe! Sa araw na ‘yaon lang daw n’ya nasilayan ang pagmumukha ni Defensor sa MMDA. Mismooooo!
Nilinaw ni Defensor na hindi siya official o consultant ng MMDA at hindi siya kumita ni isang sentimo sa kanyang pagkilos para tulungan ang gobyerno ni President Bongbong Marcos. “I do not hold office there nor do I order people around. It was one meeting where my assistance was sought to help the government effort to ensure the success of our traffic response and the safety and convenience of our students and their families,” ani Defensor.
Kaya nagpaliwanag si Defensor ay dahil napuna ni Presidential Chief Legal Counsel Juan Ponce Enrile ang kumalat na litrato kaya nagbigay paalala siya sa mga opisyales na ‘wag i-take advantage ang kabaitan ni President BBM sa kanilang “lust of power.” Ayon kay Defensor niliwanag na n’ya kay JPE ang kanyang role at ganundin ang una sa kanyang trabaho. Hak hak hak! Simple lang ang palusot ni Defensor p’ro rock, di ba mga kosa? Dipugaaaaa!
Iginiit naman ni kosang Gracia na habang panay ang dakdak ni Defensor, si Dimayuga, na nakaupo sa tabi niya ay tahimik lang na parang tulala. Hindi lang ‘yan! Ang mga opisyales ng MMDA tulad ng admin, finance, planning, traffic czar at district commanders ng North, East, West at South ay hindi ipinakilala kay Dimayuga bilang familiarization kundi kay Defensor. Ano ba yan?
Teka nga pala! Ang kapatid ni Executive Secretary Vic Rodriguez na si Edwin Rodriguez ay head na ng finance department ng MMDA at matic na member ng powerful Bid ang Awards Committee. Kung contractor ni Defensor si Dimayuga plus pa si Edwin nakupoooo....kayo na ang magdugtong mga kosa. O hayan, alam n’yo na mga kosa kung bakit abot langit ang pagdepensa ni Defensor kay ES Rodriguez noong kumalat ang isyu na nagre-resign ang huli. Dipugaaaaa! Abangan!