Mga kaalaman na nakahihiyang pag-usapan (Part 5)
• May tinatawag na vaginal “fart”. Tinatawag din ito sa English na “queef” or “vart”. Ito ay utot na nagmumula sa vagina. Wala itong amoy maliban lang kung ang isang babae ay may rectovaginal fistula.
• Mali ang akala ninyo na pare-pareho ang amoy ng vagina. Iba’t ibang babae ay may kanya-kanyang amoy. Depende ito kombinasyon ng normal bacteria na namamahay sa vagina; diet; fabric ng panty na isinusuot; level ng kanyang kalinisan; kung pawisin ba siya o hindi at gland secretions.
• Nagiging malakas ang “sexual desire” ng babae kapag na-stimulate ang first inch or two ng vagina. Doon sa area na iyon matatagpuan ang “most nerve endings or most pleasure receptive”.
• Ang pinakaunang pelikula na gumamit ng salitang “vagina” ay ang 1946 Disney animated film na may pamagat na “The Story of Menstruation”.
• Ang “vagina” ay Latin word para sa “sheath” or “scabbard.” Ang Tagalog sa scabbard ay bayna, ito yung leather kung saan isinusuksok ang itak o espada/sable para pamproteksiyon sa blade.
• Ang plural ng vagina ay vaginae or vaginas.
• Ang pH (acid/base balance) ng vagina ay 4, kagaya ng pH ng alak, kamatis at beer. Nagbabago ang pH kapag may vaginal infections, douching, sinasabunan at exposure to semen.
• Ang may pinakamalaking vagina ay ang Canadian na si Anna Swann (1846-1888). Ang taas niya ay 7 feet and 5 inches at tumitimbang ng 350 pounds. Nagsilang siya ng 23-pound baby na may 19-inch head sa pamamagitan ng normal delivery. (Itutuloy)
- Latest