Obesity facts
• May pangyayaring dahil sa labis na katabaan ng isang babae, ang muscle sa pelvic area ay napupuwersa kaya bumabagsak. Ang resulta ay tinatawag na vaginal prolapse. Bumabagsak ang muscle sa pelvic area at umuusli sa labas ng vagina. Ang tawag sa Tagalog ay “binubuwa”.
• Ang ginagawa na ngayon ng child safety seat manufacturers ay mas malalaki nang size kumpara sa standard models. Sa isang pag-aaral, napag-alaman na higit sa 250,000 US children na nasa edad 6 na taon o pababa ay sobrang matataba kaya hindi magkasya sa standard models.
• As of 2006, mas maraming tao sa buong mundo ang overweight kaysa malnourished.
• Dahil sa obesity, nagkakaroon ng kondisyon na “buried penis” kung saan ang penis na may normal na haba ay nababaon sa ilalim ng pubic skin. Ito ay nagiging dahilan ng panibagong problema kagaya ng chronic infection, skin breakdown at chronic inflammation.
• Kapag obese ang mga magulang, may 80 percent na magiging obese rin ang kanilang anak.
• Ang obesity ay iniuugnay sa 15 medical conditions, kasama ang osteoarthritis, cancer, cardiovascular disease, hypertension, joint-related pain, strokes, and impaired immune response.
• Sa pag-aaral na ginawa ng Northwestern University, ang adult na laging umaatend ng religious activities ang madalas na nagiging obese kaysa hindi mahilig umatend. (Itutuloy)
- Latest