ISANG umagang nagbabasa ng diyaryo si Alfred Nobel, isang Swedish, ay tumambad sa kanya ang isang announcement sa obituary section—na siya ay namatay na.
Napag-alaman na ang announcement na iyon ay para sa kapatid ni Alfred na kamamatay lamang. Marahil ay sikat kasi ang pangalang Alfred Nobel kaya iyon ang naisulat ng clerk.
Si Alfred ay mayaman, matalino at inventor ng dynamite at smokeless gun powder. Marami siyang itinayong factory sa iba’t ibang panig ng mundo na gumagawa ng dinamitang pampasabog at smokeless gun powder.
Nang nabasa niya ang sariling pangalan sa obituary section, napagtanto niyang—paano kung totoong namatay siya? Paano siya aalalahanin ng mga tao? Imbentor ng mga instrumentong ginagamit sa giyera?
Oo nga’t napapakinabangan ang dinamita sa ibang larangan ngunit nangingibabaw pa rin ang pagiging negatibo nito sa buhay ng mga tao.
Gusto niya’y may maiiwan siyang magandang alaala sa mga tao. Isinulat niya sa isang kapirasong papel na kapag siya’y namatay ay ipamigay ang kanyang kayamanan sa mga taong naging instumento sa pagpapalaganap ng kapayapaan sa mundo.
Pumanaw siya dalawang araw pagkatapos na maisulat ang kanyang habilin.
Dito nagsimula ang Nobel Peace Prize. Ilan sa mga nanalo dito ay si Einstein, Mother Theresa, Woodrow Wilson, Roosevelt, etc.
Wala siyang asawa at anak. Nagkaroon siya ng nervous breakdown dahil nakukunsensiya siya sa mga bagay na naimbento niya. Ito ang dahilan ng paghina ng kanyang kalusugan at humila sa kanya tungo sa kamatayan.