^

Punto Mo

Kaalaman tungkol sa pagiging ‘vegetarian’ (Last part)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Si Benjamin Franklin, founding father of the United States, ang isa sa mga naunang naging vegetarian ngunit nang magtagal ay bumalik sa pagkain ng karne. Siya ang nagturo sa mga Amerikano na kumain ng tofu.

• Sinasabing ang mga taong kumakain lagi ng tofu at iba’t ibang gulay ay mas makulay ang sex life kaysa kumakain ng karne.

• Kailangang maging isang vegetarian ang sasali sa Hatha Yoga at Bhakti Yoga. Sa kanilang paniniwala, nagkakaroon ng undesirable mental state or  “tamas” ang mahilig kumain ng karne. Samantalang ang isang vegetarian ay nakakamit ang “sattvic” ­qualities na may koneksiyon sa spiritual progress.

• Ang isa lang disadvantage ng pagiging vegetarian ay tumataas ang calories na nakukuha nila kung kasama sa kanilang diet ang cheese at nuts.

• Noong unang panahon sa England, may mga guro na nanghihikayat sa kanilang estudyante na maging vegetarian upang malayo sa masasamang bisyo.

• Ang Russian author na si Leo Tolstoy ay tumigil sa pagkain ng karne dahil naaawa siya sa mga hayop na kinakatay. Ayon sa kanya, ang pagkain ng karne ay nagdudulot sa mga tao ng makahayop na ugali, libog, pakikipagtalik nang walang kasal at katakawan sa alak.

VEGETARIAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with