Sa maraming pag-aaral na ginawa, napatunayang ang plant-based diet ay nagpapabilis ng metabolism kaya mas mabilis matunaw ang calories, mga 16 percent faster kaysa meat-based diet sa first 3 hours pagkatapos kumain.
Bakit mas mabilis matunaw ng ating katawan ang plant-based diet? Kasi ang ngipin ng tao ay dinisenyo para panggiling ng halamang pagkain at hindi para pangngalot o pampunit sa makunat na karne.
Ang pinakaunang Vegetarian Society ay itinatag sa England noong 1847. Ang layunin ng society ay ipaunawa sa mga tao na posibleng maging malusog kahit hindi kumain ng karne.
Ang average American ay nakakakain ng higit-kumulang na 100 kilos ng karne kada taon. Hindi kasama dito ang seafoods.
Iba’t iba ang klase ng vegetarians. Ang pinakaistrikto ay tinatawag na “vegans”. Hindi lang karne ng hayop ang iniiwasan nilang kainin kundi lahat ng produktong galing sa hayop kagaya ng cheese, itlog, gatas, etc. Hanggang ngayon ay pinagdedebatihan pa rin sa vegan community kung kabilang ang honey sa dapat nilang iwasan dahil galing ito sa insekto na kapamilya ng hayop.
Sa theology, sinasabing ang vegetarian diet ay nababagay sa Christian values dahil nakapaloob dito ang hindi pagkain ng karne ng hayop. Ang hindi pagkatay ng hayop ay may koneksiyon sa awa at pakikiramay sa mga ito. (Itutuloy)