^

Punto Mo

Nagpakasal sa ibang bansa, maari bang ireklamo ng bigamy?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Maari bang ireklamo ng bigamy ang isang taong nagpakasal sa ibang bansa kahit may asawa pa siya rito sa Pilipinas at hindi naman napawalang bisa ang kanilang kasal dito? —Marylyn

Dear Marylyn,

May tinatawag tayong territoriality principle kung saan mapaparusahan lamang ang isang gumawa ng krimen sa ilalim ng ating batas kung ginawa niya ang krimen sa loob ng teritoryo ng Pilipinas. May mga exception sa territoriality principle kung saan maaring maparusahan ang isang tao kahit nangyari ang krimen sa labas ng Pilipinas katulad ng paggawa ng krimen habang nasa barko ng Pilipinas, pamemeke ng pera ng ating bansa, o paggawa ng krimen na labag sa ating national security.

Dahil wala naman ito sa mga exceptions, maari lamang maparusahan ang isang guilty ng bigamy kung ginawa niya ang muli niyang pagpapakasal sa loob ng teritoryo ng Pilipinas. Kung ginawa ang pagpapakasal sa ibang bansa katulad sa sitwasyong inilahad mo ay hindi siya maaring maparusahan para sa krimen na bigamy.

Gayunpaman, kung sakaling dalhin niya ang kanyang pinakasalan dito, maari naman siyang masampahan ng concubinage o adultery kung gawin nila ang mga nasabing krimen dito sa Pilipinas.

BIGAMY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with