100 amazing secrets (Last Part)

91. Huwag itapon ang balat ng itlog. I-blender ito para madurog at ihalo sa garden soil. Mainam itong fertilizer.

92. Para tumagal ang  iyong disposable razor, buhusan muna ng kaunting baby oil ang blade bago ipang-ahit.

93. Paano pahabain ang pilik mata? Bago matulog, aplayan ng castor oil ang iyong pilik mata gamit ang spoolie brush (brush ng kilay). Kinabukasan ng umaga ay hugasan ang pilik mata ng maligamgam na tubig. Gawin ito nang regular at mapapansin mong may magaganap na pagbabago pagkaraan ng ilang buwan. Nakakapagpatibay pa ito ng pilik mata.

94. Isang oras bago kumain ng almusal, tanghalian at hapunan, uminom muna ng  dalawang tasang tubig. Kung gagawin  ito araw-araw sa loob ng 12 weeks, mababawasan ang iyong timbang ng 3 to 4 pounds.

95. Kung nababaliw ka na sa antok pero hindi puwedeng matulog dahil oras pa ng trabaho sa opisina. Paano matatanggal ang antok? Pigilin ang paghinga hangga’t kaya mo. Tapos unti-unting pakawalan ang hangin mula sa baga. Ulit-ulitin hanggang sa ikaw ay “magising”.

96. Kapag naglilipat bahay, gumamit ng bag na may gulong para paglagyan ng mabibigat na gamit.

97. May pigsa? Pahiran ito ng tomato paste para mas puro at malapot. Nakakatanggal ng sakit at mabilis mahinog at pumutok.

98. Pahiran ng Listerine ang pumutok na blister para hindi maimpeksiyon. Nagkakaroon ng blister pagkatapos mapaso o nakiskis ang paa ng bagong sapatos.

99. Problema ang butones na natatanggal kaagad sa damit? Kung ang butones ay may apat or dalawang butas, pahiran ito ng colorless na cutex sa gitna upang tumibay ang nakatahing sinulid.

100. Ang pinakamagandang oras para magdasal ay sa madaling araw. Mas tahimik ang paligid, mas concentrated ka, kaya lalong mas lumalakas ang paniwala na makakamit ang wish.

 

Show comments