^

Punto Mo

Accomplishments ng PNP sa first quarter, impressive! — Gen. Carlos

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

TINAWAG ni Philippine National Police chief Gen. Dionardo Carlos na “impressive” ang resulta ng pakikibaka ng pulisya laban sa droga at iba pang uri ng kriminalidad sa first quarter ng taong 2022. Kahit may pandemya, nagawa pa rin ng PNP na iangat ang lahat ng uri ng kanilang trabaho alinsunod sa mga alituntunin ng PNP organization, ani Carlos. Dahil sa kanilang achievements, napapanahon na para itaas ang tiwala ng publiko sa gobyerno ni President Digong, lalo na at malapit na ang May 9 local at national elections. “We elevate our vigilance since more areas may display election-related threats. Our purpose is to prevent violence from happening despite the heated competition among candidates,” ani Carlos.

Kung sabagay, inumpisahan na ni ex-PNP chief at ngayon ay senatorial aspirant Guillermo Eleazar ang pagkalat ng kapulisan o pagpaigting ng monitoring mechanism para mapahupa ang tumataas na tension nitong election period. Si Carlos ang pumalit kay Eleazar. Pinuri ni Carlos ang kanyang mga masisipag na tauhan na naging pangunahing dahilan para makamtan nila ang kanilang tagumpay laban sa lahat ng uri ng krimen. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa first quarter assessment na ni-release ni Maj. Gen. Val de Leon, ng PNP Directorate for Operations ang pinaka na accomplishment ng liderato ni Gen. Carlos ay ang pagkumpiska ng P1.63 bilyon na halaga ng droga sa isinagawang 12,858 police operations mula Enero 1, 2022 hanggang Marso 31, 2022. Nagresulta rin ang anti-drug operations ng PNP sa pagkahuli ng 15,946 drug pushers at users at ang pinakamalungkot ay 31 katao ang nasawi sa enkuwentro.

Sa naturang period, 288 miembro ng organized crime groups ang nasakote at naghihimas na ng rehas na bakal. Umabot sa 1,476 na de-kalibreng baril ang nakumpiska sa crime groups, private armed groups at communist/local terrorist groups. May 2,542 katao din ang inaresto sa kampanya laban sa loose firearms at 1,113 sa kanila ay kinasuhan sa korte. Mabuhay ang PNP sa liderato ni Gen. Carlos! Dipugaaaaa! Hak hak hak!

Hamakin mo kung sa kalye pa itong mga PAGS at crime groups at nakumpiskang armas eh di malaki ang posibilidad na magiging magulo ang May elections, di ba mga kosa? Mismooooo! Hihihi!

Hindi pa pala nagtapos dun ang accomplishments ng PNP natin dahil 17 most wanted persons na may reward sa kanilang ulo ang nasakote samantalang 7,037 most wanted persons ang ibinato sa kulungan. Sa sumatotal 19,658 katao na nasa wanted list ng PNP ang nadale. Dipugaaaaa!

Hindi din ibinaba ng PNP ang kanilang kamay na bakal laban sa insurgency at sa katunayan may 1,235 miyembro ng communist party ang sumuko o bumalik na sa mainstream ng society. Siyempre, lahat ng ayuda na ipinangako ng gobyerno ni President Digong sa pamamagitan ng ELCAC ay napasakamay ng mga naliligaw na landas nating kapwa-Pinoy at ng kanilang pamilya. Mismooooo!

Kaya kahit magretiro na si Gen. Carlos sa Mayo 8, puwede niyang maipagmalaki na marami ang kanyang naiambag sa PNP para maging peaceful and orderly ang May 9 elections. Get’s n’yo mga kosa? Abangan!

vuukle comment

DIONARDO CARLOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with