^

Punto Mo

Mga plastik na bagay ay perwisyo lalo na kung tao mismo!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

MASIGLA ang mga baya­rang propagandista sa paglalabas ng mga “fake news” laban sa mga kandidatong kliyente nila. Marami naman sa followers nila ang tumu­tulong sa pagkakalat ng malalas­wang akusasyon kaya nakaka­sama sila sa mga idinedemanda. Attorney, ang resibo? Ha-ha-ha.

Napakarumi na ng kalakaran sa pulitika, kaya mahirap na ring maniwala sa mga plataporma de gobyerno ng mga pulitiko. Nakukuha nila ang simpatiya ng mga botante sa pagmumukhang kawawa kahit kabaliktaran ito ng katotohanan kaya nananalo.  Tama ba, Mommy D? Ayaw uy!

Hindi pa man panahon ng kampanyahan, nagkalat na  ang tarpaulins/posters na yari sa plastik, na ang nakalitrato ay mga kandidato na photshopped o retokado ang mga hitsura, kaya hindi mo makilala kapag nag-house to house na sila. Salot talaga ang plastik na bagay lalo na kung tao ito.

 Malaking pinsala ang idudulot sa kalikasan ng plastic mate­rials kapag hindi ito nai-dispose ng tama. Tama lamang ang ginagawa ngayon ng Comelec na baklasin ang nagkalat na campaign materials na magiging salot sa kalikasan. Bakit nga ba hindi naisip ng DENR at Comelec na ipagbawal ito nang maaga?

Ang bulok na sistema ang nagiging sanhi sa pagkakasalanta ng kalikasan, kaya malamang na maging ang tubig na inumin natin ay malagay sa kompromiso sa darating na panahon. May kandidato ba na may plataporma hinggil sa pangangalaga ng kali­kasan? O baka naman ang kurakutan ang pinag-iinitan. Di ba Tekla?

PLASTIK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with