Para-paraan para mabawasan ang timbang (Part 3)

• Tabata exercise. Pinakaepektibong exercise dahil tapos na ang exercise mo, patuloy pa rin ang iyong katawan sa pagtunaw ng extra calories sa iyong katawan. Mag-research sa internet, magtanong sa gym instructors at pagkatapos ay itanong sa iyong doktor kung hindi ito makakasama sa iyo lalo na kung ikaw ay may high blood at sakit sa puso. May mapapanood na Tabata exercise sa YouTube.

• Ipagpatuloy ang exercise at healthy eating kahit sa weekends. Ang ibang dieters ay “nagbabakasyon” sa exercise at “pakawala” ang paglamon tuwing weekends. Maling attitude ito. Dapat ay tuluy-tuloy ang healthy lifestyle upang hindi bumalik sa pagiging “obese”.

• Mag-relax. Alam n’yo bang nakakataba ang stress? Ang stress hormone na kung tawagin ay cortisol ay dumidikit sa fat. Habang nai-stress ka ay nariyan din ang fat. Kaya kapag nakakadama ng stress, tumigil sandali sa ginagawa. Umupo. Pumikit at paulit-ulit na ibulong sa sarili ang salitang “relax” sa loob ng 10 minuto.

•  Light lamang ang kainin sa tanghalian. Pero susundan ito ng light snack sa bandang hapon upang hindi magutom. Ang pagkain ng  kakaunti ay nakakabawas din ng two pounds sa iyong timbang per month.

• Sundin ang kutob. Kung may feeling ka na “naaatat” kang kumain ng matamis, ibig sabihin noon ay kulang ang katawan mo sa energy. Pagbigyan mo ang iyong sarili. Halimbawa, gusto mong kumain ng chocolate. Kumain ka pero isang kagat lamang. Bitin? O, sige, anong gusto mo, nabitin ka o  manatiling tabatsoy?

Show comments