Lalaking nahihirapang huminga, natuklasang may tumutubong ngipin sa loob ng kanyang ilong!
NATUKLASAN ng mga doktor sa Mount Sinai Health System sa New York na ang isang pasyente nila na nahihirapang huminga sa kanang butas ng kanyang ilong ay may tumutubong ngipin sa loob nito!
Ayon sa case study nina Dr. Sagar Khanna at Dr. Michael Turner na na-publish sa New England Journal of Medicine, mayroon silang lalaking pasyente na nagpa-checkup dahil ilang taon na itong nahihirapang huminga sa kanang butas ng kanyang ilong.
Natuklasan ng mga doktor na meron itong deviated septum, isang kondisyon kung saan ang cartilage na namamagitan sa dalawang butas o nostril ng ilong ay hindi nakasentro kaya hindi pantay ang laki ng magkabilang daluyan ng hangin.
Sa tulong ng rhinoscopy, natuklasan na ang sanhi ng deviated septum ng kanilang pasyente ay may ectopic tooth na tumubo sa “floor of the right nostril”. Ectopic tooth ang tawag sa ngipin na natatagpuan sa mga lugar kung saan hindi dapat ito tumubo.
Agad na isinailalim sa surgery ang pasyente at matagumpay na nabunot ang ngipin nang walang kumplikasyon. Pagkalipas ng tatlong buwan, normal na ang paghinga ng pasyente sa magkabilang nostrils.
- Latest