Ang diborsiyadang si Barbie
ANG isang ama ay nasa New York City dahil umatend siya ng business conference. Bago umalis ng Pilipinas ay nagbilin ang kanyang anak na ibili siya ng Barbie doll. Ilang araw bago bumalik sa Pilipinas ay nag-shopping muna siya at namili ng pasalubong sa pamilya.
Ang una niyang pinuntahan ay ang tindahan ng mga laruan. Tamang-tama na maraming pagpipilian ditong Barbie doll.
“Magkano ang Barbie doll?” tanong ng ama sa saleslady.
Isa-isang binanggit ng saleslady ang iba’t ibang klase ng Barbie doll:
“Barbie Goes to the Gym ay $20,
Barbie Goes to the Ball $20,
Barbie Goes Shopping $20,
Barbie Goes to the Beach $20,
Barbie Goes Nightclubbing $20,
Divorced Barbie $300.”
“Lahat nang Barbies ay $20 each pero bakit $300 ang Divorced Barbie samantalang pareho lang sila ng hitsura at size. Ang laki naman ng kamahalan?”
“Siyempre pagkatapos ng divorce, naghati sila ng ari-arian ng kanyang husband na si Ken. Kaya ang Divorced Barbie ay may kasamang car ni Ken, bahay ni Ken, furniture ni Ken at yate ni Ken”.
“Whoever said that money can’t buy happiness, clearly, never paid for a divorce before.” – Anonymous
- Latest