Home remedies ng mga nanay

BASE sa pagsasaliksik ni Adeline Hocine, narito ang ginagawa ng mga ina mula sa iba’t ibang panig ng mundo para maibsan ang masamang nararamdaman ng kanilang anak sa panahon ng pagkakasakit.

1. Mexico: Kapag sinisipon ang anak, pinauupo ito ni Nanay sa silya. Papahiran ng vapor rub ointment (halimbawa : Vicks) ang talampakan. Kukuha ng maligamgam na tubig sa palanggana at ibababad ang paa dito. Habang nakababad ang paa ay paiinumin ang anak ng cinnamon tea.

2. Chicago: Ipapahid ang vapor rub sa dibdib kapag inuubo. Pagpapatungin ang tatlo hanggang apat na unan at doon ihihiga ang kalahati ng katawan. Sa ganoong posisyon dapat matulog para tumigil ang pag-ubo. Ang vapor rub ay may eucalyptus essential oil na tumutulong upang lumuwag ang plema at pagkatapos ay lumabas sa katawan.

3. Nigeria: Kapag sinusumpong ng sinusitis, kumuha ng bagong kulong tubig at ilagay sa palanggana. Ihalo ang isang kutsaritang vapor rub hanggang sa matunaw. Kumuha ng malinis na basahang kamiseta. Basain ng water-vapor rub mixture ang kamiseta. Ilatag ang basang kamiseta sa ibabaw ng palanggana. Ito ang singhutin hanggang sa lumuwag ang paghinga.

4. New York : Basta’t nakaramdam ng pagkati ng lalamunan o sintomas ng lagnat, pinagmumumog na sila ng kanilang ina ng maligamgam na tubig na may asin.

5. Greece: Ang red wine ay pinapainit ng 30 seconds sa microwave at ito ang iniinom kapag may sipon.

Sa research ni Adeline Hocine, ikinuwento niya kung paano nireremedyuhan ng mga ina mula sa iba’t ibang kultura ang mga simpleng sakit ng kanilang mga anak. Hindi intensiyon ng author na magbigay ng panlunas sa sakit dahil wala naman itong scientific basis.

Source: https://www.healthline.com/health/folk-remedies-passed-down

Show comments