SA Beijing China, usong-uso ang paupahang bahay sa ilalim ng tulay. May isang lalaking bagong salta sa “underground community” Mahaba ang ilalim ng tulay kaya naging isa na itong komunidad. Ilang araw na niyang napapansin ang babaeng nakatira katabi ng inuupahan niya. Pero lagi itong nakatalikod tuwing mahahagip niya ng tingin kaya ang una niyang napansin sa babae ay ang balingkinitan nitong katawan, makinis ang legs at mahaba at makintab na buhok. Ganoon ang type niyang babae.
Isang gabi, natanaw niyang dumating ang babae at tuloy-tuloy sa kanyang inuupahang silid. Gusto sana niyang makipagkilala pero hindi na ito lumabas ng kuwarto. Medyo tinablan siya ng alak na nainom niya. May demonyong bumubulong sa kanya.
Kaya nang wala nang tao sa paligid, bitbit ang kutsilyo at kahoy na mahaba, lakas loob niyang binuksan ang pintuan at pinasok ang babaeng natutulog na. Nagising ang babae na gulat na gulat.
Noon lang niya nakita nang malapitan ang babae. Nagkatitigan sila. Mata sa mata. Mukha sa mukha. Ang kargada ng lalaki na tila anaconda kanina ay biglang nanlambot at naging bulate na lang. Humihiyaw ang isip ng lalaki – Ang panget! Hindi ko masisikmurang reypin ang babaeng ito!
May kadiliman sa paligid ng underground kaya laging pahapyaw lang ang nakikita niyang mukha ng babae. Katawan lang ang malinaw niyang napipigurahan. Tumakbo palabas ng kuwarto ang lalaki. Nabitawan ang bitbit na kahoy. Iyon ang dinampot ng babae at inihampas sa ulo ng lalaki.
Nakulong pa rin ang lalaki at nasentensiyahan kahit walang rape na nangyari. Ang hindi natuloy na rape, na tinawag na “interrupted crime”, ay maituturing pa rin krimen dahil may intensiyon siyang pumatay, na pinatunayan ng bitbit niyang kutsilyo at mahabang kahoy.