EDITORYAL - Memorial wall para sa yumaong frontliners

BALAK ng pamahalaan na magtayo ng Frontliners Memorial Wall Site sa Libingan ng mga Bayani. Layunin nito na makilala ang kabayanihan ng frontliners na namatay sa pagganap ng tungkulin habang ang bansa ay sinasalanta ng COVID-19. Karamihan sa mga pumanaw ay mga doktor at nurses at iba pang medical personnel.

Ayon kay vaxccine czar Carlito Galvez Jr. ga-gastos ang pamahalaan ng P2 hangggang P5 milyon sa pagpapatayo ng memorial wall. Naka-feature dito ang mga pangalan ng mga namatay na front-liners na maituturing na mga bayani. Mayroon din umano itong mural. Ayon kay Galvez, makikipagtulungan ang gobyerno sa pribadong sector para mapabilis ang pagtatayo ng memorial wall. Balak nilang matapos ito sa Disymbre ng kasalukuyang taon. Nakikipag-ugnayan na umano siya kay Defense Secretary Delfin Lorenzana at iba pang stakeholders para sa desenyo ng memorial wall. “Maliit lang po ito but that memorial will always symbolize ‘yung he-roism. This is beyond our generation. The expense na ibibigay natin doon, that’s priceless,” sabi ni Galvez sa press conference.

Kapuri-puri ang proyektong ito para sa mga yumaong health frontliners na talaga namang mga bayani sapagkat naglingkod sila nang tapat sa mga kababayang maysakit. Sa kabila ng delikadong gawain, patuloy silang nag-alay ng sarili. Hindi inalintana ang sariling buhay at ang nasa isip ay makapagsilbi sa kapwang maysakit. Maganda ang naisip na memorial para sa mga bayaning health workers.

Subalit mas magiging kapuri-puri kung mapapa-bilis din naman ang pagkakaloob sa mga health-workers ng kanilang hinihinging special risk allo-wance (SRA) at iba pang benepisyo. Mas kailangan ngayon ng healthworkers ang kanilang SRA at food at transportation allowance. Mataga na nila itong hinihingi subalit hindi pa ipinagkakaloob.

Nagbabanta ng mass resignation ang healthcare workers dahil dito. Sana, marinig ang kanilang kahi-lingan. Pagod na pagod na ang mga bayani na araw-araw na nakikipaglaban sa hindi nakikitang kalaban.

Show comments